Ganito Pala ang Ipinakita na Totoong Pagkatao ni Sarah Geronimo sa Birthday ng Tatay ni Mateo Guidicelli
Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Sarah Geronimo? Tiyak kilala siya ng nakararami dahil sa kagalingan nito sa pag kanta, pagsayaw at pag arte kaya tinagurian siyang Multi Awarded Performer at Princess Pop.
Siya rin ay isang Television Personality at Tv host. Marami na ring nagawang pelikula si Sarah bukod sa pagiging singer at marami ng award ang natanggap ngunit kahit sa kasikatang tinataglay ay siya ay down to earth.

Ayon sa pagiging down to earth ni Sarah, kamakailan ay dumalo si Sarah G. sa birthday celebration ng ama ng kaniyang boyfriend na si Mateo Guidicelli suot lamang ang simpleng floral dress ,simpleng make up at nakatali lang sa likod ang kaniyang buhok. Makikitang simple ngunit elegante ang kaniyang kasuotan.

Ayon na rin sa mga netizens ay kahit alam ni Sarah na siya ay isang sikat na singer/actress ay hindi nito ipinalalandakan sa mga nakakasalamuha nito. Kaya’t kahit napakabongga ng mga suot ng mga ibang bisita na makikita sa mga litrato ay umaangat pa rin ang kasimplehang suot ni Sarah G.

Noon pa man hindi na nakikitaan ng kayabangan si Sarah. Sabi rin ng ibang nakakilala sa kanya hindi siya yung tipo ng tao na pangangalandakan ang kaniyang pera, kayamanan at kasikatan sa mga bagay na mahahalin at designer esembles.Kaya’t mas minamahal siya ng nakararami at hanggang ngayon ay mas pamarami pa ang sumusuporta at nagmamahal sa kaniya.

Makikita rin sa mga litrato ang kaniyang kasiyahan at sino ba naman ang magaakala na ilang weeks lang ang nakaraang lumipas sa kaniyang Nevada breakdown.at napakasayang makita o pagmasdan si Sarah sa litrato na masaya, at komportable sa gabing dinaos ang kasiyahan at siya rin ay itunuturing na kaisa sa pamilya ngkaniyang boyfriend na si Mateo Gudicelli.
+ There are no comments
Add yours