#GoodCop: Isang Pilipinong Pulis ang Bumili ng School Supplies para sa Isang Batang Nakita Lang Niya sa Kalsada
Ang tungkulin ng isang pulis ay ang panatilihing maayos at mapayapa ang ating bayan. Karagdagan pa dito ay ang pagkakadestino ng isang pulis sa isang lugar upang masigurado na nasusunod ang isang batas sa particular na lugar. Kaya naman inaasahan na sila ay rumesponde kung may mga pagkakataon na kailangan ng tulong habang sila ay naka duty.
Ngunit, isang Police Officer 2 na nagngangalang Nestor B. Lumicquio Jr. ang gumawa ng isang bagay na hindi pangkaraniwang responsibilidad niya na protektahan ang mga tao. Makikita sa isang trending post ngayon sa Facebook na siya mismo ang nagpakita na ang isang pulis ay maaring gumawa pa ng bagay na hindi kinakailangan nakasaad sa kanilang tungkulin.
Ayon sa mga reports, nagpapatrol lamang si ng makita niya ang isang bata na nagdadabog at umiiyak sa labas ng isang eskwelahan. “Nagpapatrolya sina PO2 Nestor B Lumicquio Jr ng may nakitang bata na nasa labas ng eskwelahan at nagmumukmok.
Dahil siya ay naintriga, nilapitan niya agada gad ang bata at tinanong kung ano ang problema nito. Ayon sa bata, hindi siya makapasok ng eskwelahan dahil wala pa itong ni isang gamit na kinakailangan ng isang mag-aaral gaya na lamang ng mga notebooks, lapis at pati na rin bag. “Nilapitan niya ito at tinanong kung bakit, napagalaman na wala pa daw siyang gamit sa eskwelahan kaya hindi pa ito makapasok.”
Dahil dito, ang pulis ay hindi nagdalawang isip na dalhin ang bata sa isang malapit na palengke upang ibili ito ng mga gamit na kinakailangan nito sa kaniyang pag-aaral. “Sinamahan ng ating mabuting pulis ang bata sa malapit na palengke at binilihan ito ng mga gamit. Bakas sa mukha ng bata ang galak sa kabutihang ipinagkaloob ng ating mabuting pulis”. Dahil dito madaming mga netizens ang namangha at nabighani sa ginawang kabutihan ng pulis na siyang viral ngayon!
+ There are no comments
Add yours