Isang Ina, Patuloy ang Pagtitinda sa Gitna ng Ulan at Nagbabakasakaling May Bumili Dito




Isang inspiring na kwento ang nabahagi ng isang netizens ang ngayon ay kumakalat sa Facebook. Isang ina ang patuloy na nagtitinda sa kanto ang makikita kahit na ang ulan ay malakas. Isang facebook user na nagngangalang Kenzo Sytangco II ang nakasaksi nito at nagdesididong ipost ito sa social media upang mabigyan ng palaisipan ang mga taong makakabasa nito.
Ibinahagi ni Kenzo na Nakita niya ang babae na nagtitinda at tanging isang paying lang na medyo katamtaman ang laki ang prumoprotekta dito laban sa ulan. Nang Makita niya ang babae, siya ay napaisip sa kaniyang sarili: “when i saw this bigla ako nagisip marami saatin lagi nagrereklamo about sa trabaho natin kesyo ang dami trabaho, night shift, extended working hours etc pero si nanay na ngtitinda sa kanto d nya inisip un kahit umuulan”

Alam natin na maraming sakuna ang maganap kung tayo ay nasal abas habang malakas ang ulan, ngunit ang ina na ito ay hindi nagpatibag dahil alam niyang saying ang kaniyang benta kung siya uuwi nalang at magsasara ng tindahan. Hindi rin alintana ang ulan para sa kaniyang panganib pangkalusugan.

Dagdag pa ni Kenzo: “lahat ay sarado na andun padin cya para mg tinda nag baka sakali may bumili ng kanyang tinda at may mauwi pera at pagkain sa pamilya nya!” Sinikap ni Kenzo ang oportunidad na ito upang mapaalala sa bawat isa sa atin na maging mapagpasalamat tayo kung ano man ang ating nakakamit ngayon. May mga iba sa atin na hindi iniisip ang susunod na kakainin o san man kukunin ang pera kapag kailangan natin. Hindi naman lahat sa atin ay may kaya sa buhay kaya dapat pahalagahan ang lahat ng bagay na ating natatanggap.

+ There are no comments

Add yours