Isang Lalaki ang Viral Ngayon sa Social Media Dahil may Misteryosong Tumutubong Ngipin sa Kanyang Ilong!





Nitong nakaraang linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho ipinalabas ang isang seryosong kaso ng 17 year old na si Ersan Roxas dahil sa pagkakaroon ng ngipin hindi lamang sa kanyang bibig ngunit pati na rin sa loob ng kanyang ilong. 

Tuwing nagseselfie raw ang binata, lagi niyang tinitiyak na hindi makikita ang ngipin na iyon. Ayon sa kanya hindi rin daw siya makangiti ng mabuti dahil makikita ang kanyang sikreto.


Sa kanyang story na ipinalabas ng “Kapuso mo, Jessica Soho,” Noong walong taong gulang siya ay may tumutubong bukol sa kaliwang parte ng kanyang ilong. 



At nang tumagal, napansin niyang palaki nang palaki ang bukol na ito. Narito ang paliwanag ni Ersan sa kanyang pinagdaanan: 



“Yung tipong tumataas yung puti sa butas hanggang po sa mayroon na pong lumalabas na puti. ‘Yun nga po ngipin pala. Noong Unti-unti pong lumalaki, tinitignan ko po sa salamin. Mayroon pong sumisilip.” 

Karagdagan sa kanyang interview, sabi niya hindi niya pa ito sinasabi sa kung sino man dahil takot siyang mapagtawanan. Bilang resulta, ang ngipin sa kanyang ilong ay nakakaapekto sa kanyang pakikisalamuha sa ibang tao, pati na rin ang kanyang kumpyansa sa sarili.



“Sa mga ngipin ko, parati pong sumasakit. Minsan po parati akong natutulog. Nahihirapan din akong magsalita at saka natatakot po ako na mapansin. Nakayuko po ako kapag nagsasalita.

Lagi rin po akong mayroong dalang panyo” Desperadong mawala ang hindi kaaya-ayang ngipin, humingi siya ng tulong sa kanyang nakatatandang kapatid na nagngangalang Sarah Roxas.


“Nagkaroon na po ako ng gusto sa mga babae. Nahihiya po akong maki-pagusap sa kanila. Nawawalan po ako ng lakas ng loob na lumapit kaya nagdesisyon po ako na lumabas para gamutin ito.”


Kaya naman, Ang magkapatid ay naghanap ng medical explanation. Nakahanap sila ng sagot sa tulong ni Dr. Gerald Hernandez – dentist at oral surgeon. Kahit na wala pa siyang cleft palate o matatawag na opening sa gitna ng bibig at ilong at nakasubok ng maagang dentition, sinabi ng dentist na malimit lang itong nangyayari.





“Ectopic Tooth Eruption meaning hindi siya tumutubo sa normal na location ng ngipin. For Ersan’s case, it was his central inscisor na tumutubo sa kaliwang ilong niya. Cental Inscisor, ‘yun ang ngipin natin na tumutubo sa gitna.” 


Matapos ang kanyang matagumpay na dental operation, maaari na siyang mamuhay ng simple at hindi inaalala ang kanyang condition.

+ There are no comments

Add yours