Isang Matandang Babae ang Humiling na Kunin na siya ng Panginoon dahil sa Hirap ng Buhay ang Tinulungan ng mga Netizens!
Nakakawasak naman talaga ng puso kapag nakakakita tayo ng isang mahina at marupok na senior citizen na talagang nagtratrabaho pa bagamat sila ay matanda na dahil kailangan nila ito para mabuhay. Ang sentimyentong ito ay ibinahagi ng isang facebook user na nagngangalang Che Positive matapos siyang makakita ng isang matandang babae na nagtratrabaho bagamat malakas ang ulan. Ang pangyayaring kaniyang Nakita ay talagang nagpawasak ng kaniyang puso kaya naman naisipan niyang humingi ng tulong sa mga netizens online.
Ang lalaki ay pupunta lamang sana sa palengke upang mamili. Noong siya ay naglakad sa labas, siya ay binati ng isang matandang babae na nagongolekta ng mga basura. Dali dali siyang bumalik ng kaniyang bahay para kumuha ng mga ilang pagkain gaya ng noodles at sardinas.
Bumalik mula sa labas si Che para iabot ang mga pagkain sa matanda. “Ito pala yung matanda na sinabihan ko dati na kakatok sa gate namin pag dadaan para maabutan ko man Lang sana kahit ulam at bigas lang. Pero Hinde nya ginagawa. Sabi ng kapit bahay nahihiya daw nung minsan nilang sabihan na katukin ako.”
Ang dalawa ay nabigyan ng pagkakataon upang makapagusap. Ibinahagi ng matanda na gusto na niyang kunin siya ng Panginoon dahil sa kaniyang kalagayan. Siya mismo ay pagod na sa buhay at sa tingin niya ay hindi na niya ito kaya. Naantig ang puso ni Che habang naririnig ito mula sa matanda kaya naman ibinahagi niya ito via online.
Sa kabutihang palad, madaming mga ibang netizens ang nakakita ng kaniyang post at nais din tulungan ang matanda. “Update para Kay Lola… Eto na po yung 1st batch ng groceries para kay lola…maraming salamat po sa mga nagpadala ng cash at nag pabili ng groceries para Kay lola. Para po mas maging sustainable Ang pag tulong nyo at maging pang matagalan. Hinde ko po ibibigay Ang lahat ng tulong sa isang bagsakan lang… Every Saturday po ay bibigyan ko si Lola ng pang konsumo nya para sa isang buong linggo. Yung sobra sa pangangailangan nya po. Maraming maraming salamat sa lahat ng tumugon sa panawagan ko po na matulungan si lola.”
+ There are no comments
Add yours