Isang Netizen ang Nagbahagi ng Usapan nila ng Kaniyang Kumare matapos Ito Magalit at Humingi ng Pabor sa Kaniya
Naranasan mo na bang mapili ng iyong pamilya o kaibigan na maging ninang o ninong ng kanilang anak? Kung oo, malamang ay alam na ang responsibilidad ng karakter na ginagampanan ng ninang sa buhay ng kanilang inaanak. Ngunit para sa ibang tao, ang pagiging ninang o ninong ay nangangahulugan lang na mas maraming regalo o pera tuwing may espesyal na okasyon. Tulad nalang ng karanasan ng isang netizen na sumikat sa facebook ngayon.
Ayon kay Ruby E. Banta, siya ay isang tao na mahilig at gumagawa ng paraan para makapagbigay ng regalo sa kaniyang inaanak kahit hindi ito manghingi o kahit hindi sabihin ng ibang tao. Ngunit nitong nakaraan lamang ay naranasan niyang mabura at mablock sa facebook ng isa niyang kaibigan dahil lamang sa hindi niya kayang pondohan ang nais na rentahang payaso para sa kaarawan ng kaniyang inaanak.
Sa pag popost ng larawan ng kanilang paguusap, nag simula ang kaibigan ni Ruby sa pangangamusta sakaniya. Makikita rin sa larawan na ipinaliwanag nito na siya ay ninang ng kaniyang anak at nalalapit na ang kaarawan ng batang lalaki. Matapos ang ilang minutong pagkwekwentuhan, tinanong ng kanyang kaibigan kung maaari, siya ang magpondo at magbayad sa rerentahang payaso para sa kaarawan ng kanyang anak. Hindi agad tinanggihan ni Ruby ang hinihinging pabor dahil para sakanya, ang gastos na ito ay para sa inaanak niya. Tinanong niya rin ang kanyang kaibigan kung magkano ang maaring gastusin.
Nang sabihin ng kaniyang kaibigan na kailangan niyang magbayad ng Php 3,000, maayos na sinabi at ipinaliwanag ni Ruby na hindi niya kaya bayaran ang buo dahil na rin sa mga sariling bayarin na kailangang tustusan. Dahil na rin sa kagustuhang makatulong para sa inaanak, inalok niya ang Php 1,000 na maari at agaran niyang maibibigay.
Ang ikinagulat ni Ruby ay ang sagot ng kaniyang kaibigan sakanya. Imbes na magpasalamat ay ininsulto niya pa si Ruby at sinabing itago na ang Php 1,000 para sa sarili. Narito ang huling mensahe ng kaniyang kaibigan: “… pwera offend ka pa parang di ka nagkaanak ah. Salamat nalang sa 1k mo san makakarating yon.”
Agad na blinock sa facebook messenger si Ruby dahil lamang sa hindi niya kayang bayaran ng buo ang magarbong regalong hinihingi ng kaniyang kumara.
+ There are no comments
Add yours