Isang OFW na 32 Taon ng Nagtratrabaho sa Kuwait ang Nakatanggap ng Regalo Mula sa kanyang Employer
Gustuhin man natin o hindi, madami sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang may mga kwento ng pagmamaltrato ng kanilang mga amo. Ang mga ganitong kaganapan ay laganap sa Middle East lalo na sa bansang Kuwait. Ngunit kahit na ganito ang ilan sa mga kwentong maaring marinig natin, ay mayroon padding mga naging matagumpay sa kanilang mga trabaho. Gaya na lamang ng isang Filipina Domestic Helper na nagngangalang Viola o mas kilala bilang Inay Viola na nagtratrabaho sa iisang employer sa loob ng 32 years.
Sa isang report na nakuha, si Viola ay mula pa sa Batangas at biyuda at may anak na lima. Noong 27 years old pa lamang si Viola ay iniwan na niya ang kaniyang pamilya upang makipagsapalaran sa Kuwait. Dahil sa pangangailangan sa pera, ginawa na halos lahat ng trabaho ni Viola gaya na lamang ng paglilinis ng buong bahay, paglalabada para lang matustusan ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya ditto sa Pinas. Ngunit ang lahat ng kaniyang pagod ay hindi padin sapat dahil sa patuloy na pagtaas ng kaniyang mga kautangan dito sa Bansa.
Dahil sa pursigido siyang iangat ang kaniyang pamilya sa paghihirap, nagdesisyon si Viola na manatili sa abroad para magtrabaho. Noong 1985, dumating si Viola sa Kuwait at nagsimulang mamasukan bilang isang kasambahay sa pamilya ng mga Al-Ghareeb. Ayon kay Viola, ang pinakamatandang anak ng pamilyang kaniyang pinagsisilbihan ay wala pang isang bwang taong gulang. Ngunit hindi lang pala ito ang kaniyang aalagan, ngunit ang lahat ng anak ng kaniyang amo.
Sa loob ng ilang taon, si Viola ay nagsilbihan at namasukan sa pamilya na ito ng may loyalty, pagkamasipag at pagkamatyaga. Sa katunayan, ginawa pa siyang family driver ng mga ito noong 1995. At sa paglipas ng panahon, patuloy paring ipinapakita ni Viola ang kagalingan niya sa paglilingkod sa pamilyang ito.
Ngayon, si Viola ay may edad ng 63 at siya parin ay namamasukan para sa pamilya ng mga Al-Ghareeb. Sa katunayan, siya ay nakapasyal nadin sa halos 30 countries sa Europa, Asya, Amerika at pati nadin sa Afrika. Karagdagan pa ditto, ay ang kaniyang amo ang nagbayad ng halos kalahating milyon para sa pagpapagamot ng kaniyang anak noon. Ngunit ngayon ay kahit na masaya si Viola at mabuti ang kaniyang kalagayan sa Kuwait, sinabi niya sa isang interview na hindi parin niya ipagpapalit ang bansang Pilipinas.
+ There are no comments
Add yours