Isang Pinoy Seaman, Nahulog sa Barko at Milagro na Lumangoy ng Apat na Oras Bago Ma-Irescue!






Ang pag langgoy sa dagat na walang isla o lupa na natatanaw ay siguradong isa sa kinakatakutan nating mangyari sa ating buong buhay. Pero ang isang Pilipino na seaman na nagngangalang Loregie Moscoso, nangyari ito sakanya ng hindi inaasahan.



Habang nasa duty siya sa kanilang barko na umaandar, bigla na lamang siyang na laglag sa dagat. Ang edad 23 anyos na seaman ay nalaglag sa dagat at nakarami ng inom ng tubig dagat. Nang sumaklolo siya sa kaniyang mga ka trabaho ay walang nakarinig sa kanya. At ang kanilang barko ay patuloy na umaandar palayo sa kanya.







Upang mapanatili niya ang kanyang sarili na nakalutang, si Loregie ay nagtanggal ng kayang coveralls. Sa ilang sandal lamang napagtanto niya na mayroon pala siyang radio para makipag-usap, pero nakalagay ang radyo sa kanyang coveralls na katatangal pa lamang niya kamakailan. Ang kanyang mga gamit na tinangal ay lumulutang na ng malayo sa kanya at hindi na kayang abutin.



Kahit walang senyales na tulong papunta sa kanyan pinipilit pa rin niyang nakalutang sa dagat. Naisipan niya na siya ay mag float upang hindi maaksaya ang kanyang enerhiya sa paglangoy.


Hanggang sa nagsimula ng sumikat ang araw, nakita na lamang niya ang isang malapit na isla na may bangka at yate sa daungan. Ito na lamang ang kanyang pag-asa, nag simula na siyang lumangoy papunta rito ng biglang may pating na lumalangoy na sa dagat. 



Nang makita niya ang pating, umiikot ito sa kanya pero iniwanan din naman siya. 




Pero bago pa siya makarating sa daungan ng barko ay may dumating na saklolo galing sa isang helicopter na nasa itaas niya at isang U.S. coast guard na bangka ay palapit ng palapit sa kanya. At alam niya na siya ay ligtas. 


Binigyan na siya agada gad ng medikal na atensyon dahil na dehydrate siya sa kanyang pag-inom ng tubig dagat at sa kadahilanan ng apat na oras na paglangoy sa dagat. Marami ang namangha sa istorya ng seaman na nabuhay kahit walang aparato para sumaklolo ng tulong.


+ There are no comments

Add yours