Ito Pala ang Dahilan Kung Bakit Naisipan ni Sofia Andres na Huminto Muna sa Showbiz!




Kapamilya Actress na si Sofia Andres, Nagpapahinga muna sa Showbiz dahil sa kanyang anxiety disorder. Isiniwalat ng 19-year old na actress sa kanyang mga tweets noong martes na gusto niya munang pagtuonan ng pansin ang sarili bago maging handa sa ibang bagay tulad ng kanyang career.

“okay so i think many of you are looking for me on screen. i have decided to lie low for a month. it’s good to be focusing, & loving yourself when you know you are slowly losing yourself from pushing it too hard. i learned a lot of things, to appreciate more, to be more positive,” mensahe niya para sa mga taga suporta.




“i have declined blessings that was offered to me because i think i’m not ready yet, i’m not ready to give my all yet but hopefully soon. i’m really trying my best. thank you for those who have been so supportive and for those who never give up w their anxiety.” Dagdag ng actress

Sa kabila ng hindi pagkikita sa kanya ngayon sa showbiz ng mga fans, nagpasalamat siya dahil patuloy pa rin ang suporta ng mga ito sa kanya, pati na rin sa mga taong naroon pa rin sa kanyang tabi kahit na mayroon siyang anxiety.

“i can’t wait for the time to love again, to love something, to love someone without worrying, & without overthinking. i wish i could stop everything all the negative thoughts but we are not our anxiety. we are strong, we are fine.”

Ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang bumuti ang pakiramdam.



Noong May inamin niya na humingi siya ng tulong sa isang therapist para sa counseling kaya naman nagdesisyon muna siyang lumayo sa mga husga ng tao dahil sa kanyang takot mareject at anxiety na kanyang kinakaharap. 

Dahil na rin sa mga nakaraang nangyayari kaya naisipan niyang mag-open up. “since everyone opened up about the mental health & self awareness. to be honest i have been dealing w anxiety & it’s so bad. you guys must do appreciate people around you no matter what. you might not need them now but eventually you will. #spreadthelove” ayon sa kanyang tweet.


Sa huli nag-iwan siya ng nakakahikayat na mensahe para sa lahat ng mga taong nakakaranas ng parehong kondisyon. Sa kanyang Instagram post kanyang sinabi ang mga katagang “listen there will be good days, and there will be bad days that will almost make you feel you want to give up, but hold just hold on, please always try to hold on. you are not crazy, you are fine, i belive you can make it.”

+ There are no comments

Add yours