Kilalanin ang Lalaki ng Walang Binti na Kayang Bumiyahe sa Bicol Gamit Lamang ang Kanyang Wheelchair
Karamihan sa atin ay nangangarap na magbiyahe at libutin ang bansa. Ngunit hindi masyadong madali ang buhay at parang laging may pumipigil sa atin upang gawin ang ating pinapangrap na gawin o makamit.
Pero para kay JV Solomon, walang imposible kahit may hadlang ang mga bagay na gusto mong maranasan. Si JV o ang totoong pangalan niya ay si Jonald Vincent ay may isang misyon na libutin ang ganda ng Pilipinas.
Ngunit hindi gaya ng iba pang manlalakabay , hindi siya sumasakay ng bus, kotse, pati na rin ang eroplano. Ang kanyang ginagamit sa kanyang mga biyahe ay ang kanyang mumunting wheelchair.
Batay sa balita sa GMA news report, si JV Soliman ay nawalan ng paa nung maaksidente siya habang ang kanyang buong katawan ay nagkaroon ng marka dahil sa apoy. Nag simula siya sa Maynila at mag mula doon ay si JV ay nag babyahe sa daan ng mga 15 na araw mula ngayon. Ang kanyang destinasyon? Ang probinsya ng Bicol na humigit kumulang na may 442 na kilometro na biyahe!
Maliban sa kanyang wheelchair na nag silbing transportasyon niya ay ito rin mismo ang naghahawak ng kanyang mga gamit at bilang kanyang kama tuwing gabi. Ang ilang mga tao na nakakasalamuha niya sa daan ay nag mabuting loob at binibigyan nila ng pagkain at inuming tubig. Hindi ito ang unang biyahe ni JV sa kanyang wheelchair. Dahil nito lamang ay binisita niya ang mambabatok na si Apo Whang Od na nasa Buscalan Kalinga. Halos dalawang buwan siya nag biyahe para maabot ang mga bundok.
Nang tinanong siya kung bakit niya naisispan niya na bumyahe na gamit ang kanyang wheelchair, sinabi niya na nagpupursige siya para mag silbing isang inspirasyon bagamat sa kanyang sitwasyon na makamit ng mga tao na gaya niya ang mga pangarap nila sa kanilang buhay. Nag silbi siya bilang isang inspirasyon sa nakakarami at ang kanyang susunod na destinasyon? Ay ang Visayas pero ang tanong kung lalangoy ba siya o sasakay sa isang barko. Ang sigurado lamang ay siya ay isang tao na may paninindigan sa kanyang sarili na kayanin ang hinaharap niyang mga pag subok sa kanyang buhay.
source: pilipinoscoop.com
+ There are no comments
Add yours