Lalaking Naglalako ng Sinturon Mula Baclaran hanggang Monumento, Nakapagtapos ng Summa Cum Laude




Mula sa pagiging isang sinturon vendor, si Raymart Reyes ay isang graduate na ngayon at nakapagtapos ng Summa Cum Laude na handing handa ng haraping ang mundo.
Noong huling araw ni Raymart bilang isang studyante, nakapagiwan si Raymart ng isang legacy hindi lang para sa kaniyang paaralan kung hindi pati narin sa lahat ng dumalo ng event nila. Mula sa isang post ni Denver Medina na nagcover ng isang commencement exercise ng ABE International Business College. Binahagi niya ang isang lalaki na talanga nagpursigi at nakakainspired sa buhay dahil sa dedikasyon nito.

Habang ang ibang tao ay pinagpapasawalang bahala ang pagaaral, si Raymart ay sobrang pursigido dito. Kinailangan pa niyang lisanin at iwanan panandalian ang kaniyang pamilya sa Quezon Province upang mag move dito sa Maynila. Noong panahon ng kaniyang pagbibinata si Raymart ay nagbebenta ng sinturon mula Baclaran papuntang Monumento araw araw habang naglalakad lamang. Hindi madali ang kaniyang ginagawa ngunit ito ang naisip niyang paraan upang tapusin ang kaniyang sinimulang buhay dito.

Noong nakapag-ipon na siya, pinag-isipan ni Raymart na umuwi ng kaniyang probinsya at mag-aral ng kolehiyo. Ngunit, habang tinatahak din niya ang buhay kolehiyo ay patuloy pa din siya sa kaniyang mga part-time na trabaho na sinisigurado niyang makakabayad pa siya at maitutuloy ang kaniyang pag-aaral bawat semestro.

Ngayon, 2018 nakapagtapos si Raymart sa kursong BS Bachelor Administration at hindi lang iyon dahil isa din siyang Summa Cum Laude. Sa post ni Medina sinabi niya ang mga sumusunod: “Sabi nga, if there’s a will, there’s a way. Patunay siya na hindi hadlang ang kahirapan para huminto ka sa pangarap mong makapagtapos. Kung talagang pursigido kang tuparin ang pangarap mo, handa mong gawin ang lahat – kahit na madumi o nakakahiya basta legal at marangal. RESPECT.”

+ There are no comments

Add yours