May Pitong Magandang Benepisyo Pala ang Pakikipaghalik!
Ang halik ay isang pamamaraan ng paggalang, pagbati, pagmamahal at maaring pisikal na akit. Ang halik ay nagbibigay ng magandang dulot sa kalusugan. Nakakatulong ito sa pagpapalakas at pagpapatibay ng immunity, nagpapaganda ng pakiramdam na nakapapawi ng stress at nakakatulong sa maganda o nakapagpapabilis ng pagdaloy ng dugo sa ating katawan. Ito rin ay nakakatulong sa isang relasyon na nagbibigay ng koneksyon sa isa’t isa.
Kung ang pagtawa ay may kasabihang “Laughter is the best medicine” . Ang halik naman ay sinasabing “a kiss a day really can keep the doctor away”.
Kaya’t narito ang Pitong Magandang Benepisyo ng pakikipaghalik na dapat mong malaman:
1. Nakakatulong sa pagganda o pagbaba ng Blood Pressure
Ang pakikipaghalik ay nakatutulong sa magandang pagdaloy ng ating dugo sa katawan na siyang makatutulong sa pagpapababa ng blood pressure.
2. Nakapapawi ng Stress
Ang paghalik o pakikipaghalikan ay makatutulong sa pagpawi ng stress na nararamdaman dahil nagbibigay ito ng magandang pakiramdam, pagkalma at pagrelax ng ating katawan. Nagbibigay kasiyahan rin ito sa atin kaya’t nakatutulong ito sa pagpapagaan ng kalooban.
3. Nakapagpapaganda ng Facial Muscle
Ang pakikipaghalik ay nakatutulong sa pagpapatibay at pagpapaganda ng mga muscle sa ating mukha. Sa pamamagitan ng pagwo-work out ng ilang facial muscles natin sa pakikipaghalikan ay makatutulong ito sa paghugis ng ating leeg at jawline.
4. Panlaban sa Cavities
Ang pakikipaghalikan ay makaiiwas sa pagkakaroon ng cavities dahil kapag nakikipaghalikan ay tumataas ang produksyon ng laway sa bibig at nakatutulong ito para mawala ang plaque sa ngipin na nagiging dahilan ng cavities.
Ang pakikipaghalikan ay makatutulong din sa pagsunog ng mga calories sa ating katawan. Sa oras na pakikipaghalikan ay kayang sumunog nito ng simula 8 hanggang 16 na calories o isang basong wine glass.
6. Boost Self-esteem/Immunity
Ang pakikipaghalik ay nakatutulong sa pagpapalakas ng self-esteem o immunity dahil kapag nakaranas nito ay nakakaramdam ng kasiyahan na nakapagpapasiya ng tao kaya mas nagiging produktibo sa mga gawain at nagiging malakas sa buong araw.
7. Nakakatanggal ng pananakit sa ulo
Ayon sa nabanggit na nakatutulong ito sa magandang pagdaloy ng dugo sa ating katawan kaya’t makakatutulong ang pakikipaghalikan sa pagtanggal ng pananakit sa ulo at cramps na nararamdaman na sanhi ng menstrual period.
+ There are no comments
Add yours