Mga Benepisyong Maaring Makuha sa Pagkain ng Patola!




Ang patola ay isang gumagapang na halaman na may bunga na maaaring kainin bilang gulay. Ang produktong luffa na ginagamit na panghilod sa pagligo ay nagmumula sa bunga ng patola. Karaniwan itong pananim sa maraming lugar sa buong mundo.
Ano ang mga sustansya at kemikal na maaring makuha sa patola?



1. Ang bunga ay may mapait na luffeine, habang ang mga buto ay may taglay na langis ng glycerides ng palmitic, stearic, at myristic acids.
2. Ang bunga ay may taglay din na mineral na calcium, iron at phosphorus, pati na bitamina B.
Ano ang mga sak!t na maaring magamot ng patola?

1. Hindi dinadatnan ng regla
Maaaring makatulong sa kondisyong ito ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng patola.
2. Almoranas
Ang dinikdik na dahon ng patola ay mabisa naman para sa kondisyon ng almoranas kung ipantatapal ito sa apektadong bahagi ng katawan.
3. Sore eyes
Ang katas ng dahon ng patola ay maaaring makatulong kung ipampapatak sa apektadong mata.
4. Sugat
Ang mga sugat naman sa balat ay matutulungang paghilumin ng pagpapahid ng katas ng dahon ng patola.
5. Pagsusuka
Ang laman ng patola ay pinapakain sa taong dumadanas ng madalas na pagsusuka.
6. Dermatitis
Ang kondisyon ng dermatitis sa balat ay maaring malunasan ng pagpapahid ng langis mula sa buto ng patola.
7. Paninilaw ng balat (jaundice)
 Ang kondisyon ng paninilaw ng balat dahil sa problema sa atay ay matutulungan ng paghithit na parang sigarilyo sa pinatuyong dahon ng patola.
8. Bulate sa tiyan
Ang buto ay maaaring kainin bilang pampurga sa bulate sa sikmura.

+ There are no comments

Add yours