Nakakatouch ang Isang Taxi Driver na Nagbalik ng Mahigit P2 Milyon sa Isang Chinese na Pasahero
Paano nga ba ang magiging reaksyon mo kapag nakakita ka ng milyong milyong halaga ng salapi ng wala man nakakakita? Sa ibang tao madali na lamang ito para sa kanila na iuwi sa kanilang bahay at akuin ito ng para sa kanila. Totoo nga naman dahil hindi madali na tumira sa isang mayamang mundo at meron talagang gagawin lahat para maging mayaman. Bagamat ang isang tao gaya ng isang tapat na taxi driver ay mas pinili na maging isang impluwensiya sa bawat mamamayan na maging tapat sa kapwa.
Ang binansagang tapat na mamamayan ay si Eduardo Matusalem ay nakakita ng isang briefcase na nakalagay sa loob ng kanyang minamaneho na taxi noong nakaraang June 13.
Nasa kalagitnaan siya ng kanyang trabaho sa pagmamaneho ng napansin niya ito at agad niyang insip na dalhin ito sa TV 5 para Makita ng nakaiwan. Ngunit ang pinuntahan niya na estasyion ay sarado kaya si Eduardo Matusalem ay tumingin ng lugar na pwede niyang mapagparadahan ng kanyang minamaneho na sasakyan. Napagdesisyonan niya na roon muna mag palipas ng gabi para ligtas ang naiwang briefcase sa loob ng kanyang taxi at hintayin na mag bukas na ang estasyion bukas.
Ang nakakamangha na kwento ng isang taxi driver na mas inisip na maging tapat ay nag silbing inspirasyion sa bawat mamamayan, sa kabila ng kaunti niyang kinita ay inuna niya ang kapakanan ng ibang tao. Kinaumagahan ay nai-surrender niya na agad ang briefcase at nang buksan ito sa harapan ni Mang Eduardo ay numulaga sa kanya ang 240,000 (Yuan) na mahigit 2,001,766.63 na libong piso. Sa tulong ng ID na nasa bagahe at sa pamamagitan ng Facebook ay nahanap agad ito ng may-ari na si Junyi Tao, isang Chinese National.
Nang magkita ang dalawa ay niyakap ni Junyi si Mang Eduardo sa pasasalamat niya ay binigyan niya ito ng 10,000 peso at ililibre ng dinner kasama ang kanyang pamilya. 20 years na sa serbisyo bilang isang taxi driver si Mang Eduardoat ipinagmamalaki niyang nataguyod niya ang kanyang pamilya nang dahil sa kanyang pagmamaneho.
source: pilipinoscoop.com
+ There are no comments
Add yours