Narito ang 10 na Bansa na Maaari Ninyong Puntahan Kahit Walang Visa!
Handa ka na ba sa pinakaaantay mong bakasyon kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan pero hadlang ang pagkakaroon ng visa para mabisita ang bansang nais puntahan? Lahat naman siguro tayo ay pinapangarap na bisitahin ang ibang bansa. Kaya sa mamili ka sa mga visa-free destinations na mga bansa na maraming magagawang aktibidad at tanawin na makikita. Ito ang ilang bansa na hindi kinakailangan ng visa para dumayo kaya ihanda niyo na ang mga inyong bagahe at iplano ang susunod na bakasyon sa mga bansang ito.
1. Bali, Indonesia (Visa-free duration: 30 days)
Nangangarap ka ba ng white sand beach na destinasyon at asul na tubig dagat? Mahahanap mo iyon sa Bali, Indonesia. Narito ang exotic islands ng Bali, Indonesia na pinangalanan nilang “Island of the Gods” Ito ay isang paraiso para makita ang magandang makita ang kultura ng isla.
2. Siem Reap, Cambodia (Visa-free duration: 21 days)
Siem Reap, Cambodia ay isang kaakit-akit na lugar na mapupuntahan sa Asya. Dahil ang mga turista ay tuwang-tuwa sa nakikita nilang arkitekto ng mga gusali na ancient temples na napakaraming turista na dumadayo para makita lamang ito.
3. Jeju Island, South Korea (Visa-free duration: 30 days)
Simula na sumikat ang mga koreans sa Pilipinas, ang mga Pilipino ay ninanais na maka-pasyal sa naturang bansa. Ngunit kinakailangan ng visa upang makapunta dito kaya naman marami ang na ikansela ang mga lakad. Pero konti lamang ang nakakaalam na makikita nila ang Seoul sa isang coastal city ng Jeju Island na visa free.
4. Taipei, Taiwan (Visa-free duration: 14 days)
Karamihan sa atin ay ninanais matikman ang kanilang mga pagkain dahil ang Taiwan ay kilala sa kanilang hinahaing pagkain dahil ang mga kanto ay punong puno ng turista sa gabi para matikman ang mga sikat na kakaibang street foods.
Ang siyudad na ito ay punong puno ng buhay at kultura dahil ang kanilang mga kanto ay napakaraming hinahain na masasarap na pagkain at coffee shops. Makikita rin dito ang yaman ng kanilang kasaysayan.
6. Hong Kong, Hong Kong (Visa-free duration; 14 days)
Karamihan sa ating mga Pilipino ito ang una na ninanais puntahan sa bakasyon para maranasan ang malamig na klima at bagong karanasan ng kultura. Kilala rin ito sa bilihan ng mga damit at masarap na dimsum.
7. Singapore, Singapore. (Visa-free Duration: 30 days)
Kahit may kamahalan, ang bansang ito ay ang pinakamadali at pinakamabilis na destinasyon sa Asya. Ang Singapore ang pinaka hassle-free na destinasyon dahil sa mabilis na public transportation sa kanilang bansa. Maraming mapapasyalan dito gaya ng mga mall, amusement parks o kaya naman food trip.
8. Bangkok, Thailand (Visa-free Duration: 30 days)
Ang mga turista ay ninanais na makabili ng magagandang damit at masasarap na pagkain sa palengke na maluwag sa ating bulsa para sa turista na maranasan ang kanilang kultura. Isa ang bangkok, thailand na destinasyon ng mga walang visa na turista na maaari nilang mapuntahan at makita ang kakaibang temples at tanawin dito.
Kilala ang bansang ito sa mga turista na nais na Makita ang napakayamang kultura ng bansa at makita ang kanilang kasaysayan at ang mga templo.
10. Kuala Lumpur, Malaysia (Visa-Free duration: 30 days)
Isang popular na makikita sa Malaysia ay ang Twin Towers kung saan mayroon itong view kung saan makikita mo ang buong siyudad. Ito ay isang nakakamanghang karansan para sa mga turista.
+ There are no comments
Add yours