Narito ang mga Nakakaalarmang Epekto ng Stress sa Inyong Katawan
Ang stress ay natural na lamang sa ating buhay maging sa mental, social o pisikal na kanyuan ay nakakaapekto ito sa ating katawan. May mga maganda at masasama na naidudulot ang pagiging stress. Ano ang nararamdaman mo kapag hinahabol mo ang bus o tren? Panigurado na nararamdaman mo na tumataas ang presyon ng dugo mo at bumibilis ang tibok ng iyong puso. Kusa naman bumabalik ang normal na tibok ng puso at ang iyong paghinga.
Ang pagkakaranas nito ay nakakaapekto sa pisikal at sikolohical na aspekto ng pagkatao. Kung hindi ito maaagapan o matutulungan, maaaring humantong sa isyu na mas malalang kondisyon at magkaroon ng malalang karamdaman. Ilansa mga sakit at kondisyon na maiuugnay sa pagkakaranas ng stress ay ang mga sumusunod:
- Ang pananakit ng ulo dahil ang stress ay nakakatrigger sa pagsakit ng ulo
- Tumataas ang kaso na maaring maging depression
- Insomia ito ay nagreresulta sa mahirap na pagtulog sa gabi
- Heartburn ang stress ay nakakarami ng stomach acid na nagreresulta sa heartburn o mas Malala pang kaso
- Mabilis ang paghinga kapag nararanasan na ang stress maaaring ang mga muscles sa paghinga ay humihigpit
- Panganib na magkaroon ng Heart Attack
- Bumibilis ang pagtibok ng puso dahil sa stress
- Humihina ang Immune System ng katawan
- Nagreresulta ito sa high blood pressure dahil ang stress hormones ay hinihigpitan ang blood vessels ng katawan
- High Blood Sugar ang stress ay nakakadagdag ng sugar sa ating katawan na maaaring maging resulta ng Type II diabetes
- Pananakit ng tiyan sa epekto nito sa digestive system ng katawan
- Pananakit ng muscles na pwedeng magresulta sa stress
- Nalalampasan ang buwanang dalaw ang epekto ng stress ay pinipigilan ang pagkakaroon ng buwanang dalaw
- Paninikip ng dibdib
- Kawalan ng pakikipagtalik
- Hindi mapakali
- Kawalan ng kakayahan na makapag-pokus sa gawain
- Kawalanan ng kontrol sa galit
+ There are no comments
Add yours