Sila pala ang mga Arista na Nakaranas ng Depresyon!





Ano nga ba ang depresyon? Ang depresyon ay hindi lamang ordinaryong karamdaman dahil kinakailangan ito ng kaukulang atensyon at kailangan itong ikunsulta sa mga taong dalubhasa rito para hindi ito lumala.

Ito ay isang uri ng sakit sa pagiisip na inilalarawan sa malawakang mababang mood na sinasamahan ng mababang pagtingin sa sarili o maaring nawawalan ng pagpapahalaga sa sarili, kawalan ng interes sa mga normal at masayahing gawain. Maaring maranasan ito kapag dumadanas ng matinding problema o ng simple mang problema na iyong dinidibdib o sinasarili. Mapa-bata man ito o matanda maari itong maranasan.

May mga kilalang Artista sa ating showbiz industry na nakaranas din ng depresyon tulad na lang nang mga sumusuond:

1. Sharon Cuneta


Sharon Gamboa Cuneta – Pangilinan o mas kilala sa bansag na “Mega Star” sa industriya ng pinoy showbiz. Kilala bilang isang Aktres, TV Host, at Singer. Alam niyo ba na siya rin ay nakaranas ng depresyon? Sa tulong ng kaniyang kaibigan na si Judy Ann Santos na sinuportahan at inalalayan siya, nakabalik o nalampasan ni megastar Shaoron Cunet ang pagsubok na kaniyang dinanas.





2. Maricel Soriano


Maria Cecilia Dador Soriano o mas kilala bilang Maricel Soriano sa industriya ng pinoy showbiz. Kinikilala bilang isang “Diamiond Star” sa pinoy showbiz at kilala rin bilang isang sikat na Filipina Film, Telebisyon Aktres at Singer. Isa rin siya sa mga artistang nakaranas ng depresyon. Sa pagkamatay ng kaniyang ina ay ito ang nagging simula ng kaniyang pagkakaroon ng depresyon. Sa pagkakaroon ng insomnia sa apat(4) na araw ay nagdesisyon siya na magpakonsulta sa isang experto upang siya ay makakuha ng tulong at lunas.


3. Sarah Geronimo


Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa iniidolo ng lahat na tinaguriang “Popstar Princess” na si Sarah Geronimo. Kamakailan, si Sarah ay umiyak sa harapan ng mga manonood sa kaniyang concert sa Las Vegas. Walang tiyak na sinabi si Sarah na siya rin ay isa sa nakararanas ng depresyon. Subalit sa pag-iyak niya at pag breakdown sa oras ng kanyang concert, ay marami ang naalarma sa kalagayan ng singer. Ibinahagi ng singer na mabigat ang kanyang nararamdaman simula pa noong 2013. Kasalukuyan naman na narerecover ito ng aktres.


4. Jed Madela


John Edward Tajanlangit o mas kilala bilang Jed Madela sa industriya ng pinoy showbiz. Kilala rin bilang isang magaling na singer at TV host. Siya ang kauna-unahang Filipino na nanalo sa World Championship of Performing Arts. Ngunit alam nyo ba na isa rin siya sa mga artistang nakararanas ng depresyon at kasalukuyan sa pagrerecover. Sa kaniyang dinaranas ay tinutulungan siya ng mga taong mahal niya at isang “social media detox”.




5. Soliman Cruz

Kilala siya bilang isang actor sa industriya ng pinoy showbiz. Marami na itong nagawang mga proyekto mapa-bida man o kontra bida. Siya rin man ay isa sa mga artistang nakaranas ng depresyon. Ang kaniyang asawa ay isang psychiatrist kaya nalaman na ang actor na si Soliman Cruz ay may clinical depression at sa pagkaroon nito ay taon ang kaniyang ginugol sa parecover sa sakit na kaniyang nararanasan.

+ There are no comments

Add yours