Tindero ng Sorbetes, Hindi Nagpatinag sa Lakas ng Ulan at Hangin Para Maghanap-Buhay
Sa isang punto ng ating buhay, maaring maramdaman natin na nakulong tayo sa trabaho na hindi natin ginusto. Ngunit, naisip ba natin kung gaano din karami ang mga taong hindi ginusto ang magtrabaho sa kalsada, umaraw man o umulan, gabi man o umaga para lang may maipakin at mairaos ang kanilang buhay sa loob ng isang araw? Kaya naman nais natin maunawaan sa ating mga sarili na kahit gaano pa natin kinaaayawan ang ating trabaho ngayon, magpasalamat na tayo dahil mayroon tayong trabaho na tataguyod sa atin ngayon.
Isang facebook user ang nagbahagi ng larawan ng isang tindero ng ice cream na sadyang tiniis magbenta ng kaniyang paninda kahit n amalakas na ang buhos ng ulan ngayon sa Metro Manila. Tulak-tulak lamang ang kariton nito patuloy itong nagtitinda bagamat ang buhos ng ulan ay waang tigil.
Ang larawan na naiupload sa internet ay makikita na ang tindero ay basing basa na talaga ng ulan at ang kaniyang paying ay malapit ng masira dahil sa lakas ng hangin. Bagamat ganito ang sitwasyon, patuloy ito sa pagtutulak ng kaniyang paninda sa kalsada.
Nakakalungkot isipin na may mga taong kailangan magpakahirap magtrabaho sa ilalim ng ulan para masuportahan ang kanilang pamilya. Gayunpaman, talagang nakakamangha ang kaniyang dedikasyon sa trabaho! Ang post na ito ay nagkaroon ng halos 10,000 reactions at 6,300 shares sa social media.
+ There are no comments
Add yours