Usap-usapan Ngayon ang Napaka Gandang Katawan ni Megan Young na Kinahuhumalingan ng Lahat!
Siguro lahat ay nakaranas nang tila ba nakakagulat na moment sa ating buhay ngunit walang makakatalo sa feeling kapag nakita mo na ang mala-Hour glass na katawan ng Miss World 2013 na si Megan Young na may 25- Inch na bewang.
Noong September 2017, pinainit niya ang internet ng may pinost na litrato ang binibini sa kanyang social media na suot ang isang sultry two-piece sa kanyang mala-hour glass na katawan.
At nitong mga nakaraang araw lang, muli siyang nagpakita ng kanyang nakakakainggit na katawan. Ipinakita niya ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng asul at dilaw na swimwear. Kaya naman hindi kataka-takang umabot ng 160,000 likes o “hearts” na sinangayunan naman ang kanyang kaibigan na si Kylie Versosa na dati ring Miss International sa pamamagitan ng pagheart din sa litrato.
Bago ito, napahanga niya ang mga fans nang unang beses na rumampa ang Kapuso actress sa Bench Fashion Week noong Marso sa taong ito. Ikaw ay nagsisinungaling kung sinabi mong hindi ka namangha o hindi man lang nadama ang panunuya ng inggit.
Kung gusto mo malaman ang kanyang sikreto, Ang kanyang sagot sa interview kasama ang PEP PH ay pinanatili niya ang kanyang kahanga-hangang figure sa pamamagitan ng consistent weight training.
Narito ang kanyang pahayag, “When I’m not doing a teleserye, I try to work out at least four to five times a week. Weight training keeps me fit, I don’t do a lot of cardio kasi hindi naman na kailangan na masyado. My cardio is basically mga High Intensity Interval… so mga burpees, mga warm-up, ganun lang. Most of the time, it’s just weight training.”
Kung naiinggit ka sa kanyang katawan, gawin itong mabuting paraan tulad ng pag-eehersisyo ngunit huwag pabayaan ng masyado ang iyong katawan.
+ There are no comments
Add yours