Viral: Ibinahagi ng Isang Babae ang kaniyang Total Transformation sa Social Media na Talagang ikinagulat ng Marami
Para sa isang tao na palaging nasasabihang mataba at nabubully dahil sa sobrang katabaan, ang pinakaepektib nag anti ay ang ipakita na hindi dapat sila laitin at maging pantay dapat ang lahat pagdating sa timbang ng isang tao at panlabas na kaanyuhan. Ang pinakaimportante sa lahat ay ang pagpupursigi sa isang goal na gusto natin para makuha natin ang ating minimithi. Para sa karamihan ang pagbabawas ng timbang ay isang goal sa buhay para sa isang tao.
Ito ang ginawa ng isang female netizen na nagngangalang Donie Lin. Ibinahagi ni Donie sa kanyang facebook ang mga pangyayari sa kanyang buhay noong mataba pa siya katulad na lamang sa mga public vehicles na kung siya ay sumasakay ay madami ang lait na naririnig niya. “Sobrang sakit ma-reject sa public transpo. Yung lalampasan ka ng mga van or fx kahit kita mo naman na may upuan pa kase masasakop mo yung space. Tapos pag nakaupo ka naman, paparinggan ka ng konduktor or nung driver: “Dapat yung mataba dalawa yung bayad eh”.
Dagdag pa ni Donie, nakakalungkot ang makarinig ng mga panlalait sa kalsada kahit pa man ang mga ibang tao na hindi niya kilala. Ngunit ang kaniyang ginagawa ay hayaan na lang ang mga ito at huwag pansinin. “Problema kase sa mga tao ngayon ginagawa nalang katatawanan yung flaws ng isang tao without thinking how much it would hurt a person.”
Ngayon, ang pagbabawas ni Donie ng timbang ay nagsisilbing isang #fitspirtaion para sa lahat ng mga nalait patungkol sa kanilang pangangatawan. Dahil sa nakamit na nga ni Donie ang kaniyang minimithing pangangatawan, ibinahagi ni Donie ang kanyang karanasan at ang mga tips upang makatulong din siya sa iba sa kanilang mga weight loss journey at magsilbing isang inspirasyon para sa kapwa tao.
+ There are no comments
Add yours