Viral Ngayon sa Social Media Ang Larawan ng Isang Babae na may Kakaibang Laki ng Dibdib
Ngayon lang ay sumikat sa social media ang isang larawan na inupload sa official facebook fanpage ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”. Ayon sa post, may isang babae na nag ngangalang Jonalyne ang nagtataglay ng kakaiba at sensitibong kondisyon kung saan, ang dibdib nito ay lumalaki ng sobra sobra sa katamtaman na nakagulat sa maraming netizens.
Ayon sa isang artikulo galing sa Live Strong, ang malaking dibdib ay marahil sanhi ng pagbabago sa genes, hormonal changes, o kaya sa mga laman ng gamot na iniinom natin. Ngunit para kay Jonalyne, naniniwala siya na ang kaniyang kondisyon ay nagmula dahil sa sunod sunod niyang pagbubuntis.
Habang wala pang ibang impormasyon ang ibinibigay tungkol sa dahilan kung bakit lumalaki ng hindi normal ang kanyang dibdib, sapat na ang larawan upang makagawa ito ng ingay sa social media.
Isang netizen ang nagkumento na maaaring may “fibroadenomas” si Jonalyne. Ang websit na “Mayo Clinic” ay nag sasabi na ang mga ito ay isang uri ng bukol na solido at hindi nakakakanser na makikita sa dibdib ng isang babae na kadalasan ay lumalabas sa mga edad na 15 at 35.
Sabi pa ng ilang pagaaral na may posibilidad na ang kondisyong ito ay maaaring tinatawag na “gigantomastia” o “breast hypertrophy”. Ayon sa healthline, ang gigantomastia ay isang bihirang kondisyon na nagdudulot ng sobrang paglaki ng dibdib ng isang babae. May apat na klase ng kondisyong ito, ito ay ang mga sumusunod: pregnancy-induced, juvenile, medication induced at idiophatic.
Habang ang eksaktong dahilan nito ay hindi pa alam, sinasabi ng website na ang breast hypertrophy ay kadalasan lumalabas tuwing pagdadalaga, pagbubuntis o maski na rin habang umiinom ng ibat ibang gamot. Ang mga babae lang din ang naaapektuhan nito. Ang mga sintomas ng breast hypertrophy ay ang mga sumusunod: pananakit ng dibdib, pananakit ng balikat, likod at leeg, hindi maayos na postura, pawawalan ng sensasyon ng “nipples” at impeksyon.
Ang mga netizens na nakakita ng sitwasyon ni Jonalyne ay talaga namang naglabas ng kanilang mga opinyon. Ang iba ay naniniwala na ang kondisyon niya ay bunga ng mga bukol o nakakakanser na bukol. Ang iba ay nagsasabi na ang kaniyang dibdib ay puno ng mga naipong gatas mula sa kaniyang pagbubuntis na nagdulot ng kakaibang paglaki ng kaniyang mammary glands.
+ There are no comments
Add yours