Danica Sotto, Umani ng Papuri Matapos Niyang Ipakita ang Kanilang Estado ng Pamumuhay




Ang pagiging mayaman na simula pa noong bata si Danica Sotto Pingris ay hindi naging sanhi na ito ay magyabang para sa mga narating nito sa buhay, kung hindi ito ay naging daan upang siya ay maging mas mapagpakumbabang tao at isang “down to earth”. Ipinanganak siyang panganay ni Vic Sotto at Dina Bonnevie, siya ay napanganak sa isang mayaman at sikat na pamilya na may kakaibang lifestyle. Kahit na ganun pa man, hindi niya hinayaan ang kasikatan at pera na manguna sa kaniyang ulo.
Kahit na siya ay ikinasal na sa basketball star na si Marc Pingris, nanatili siyang hindi mayabang sa lahat ng kung ano ang mayroon  siya. Si Danica ay nagpprioritize ng comfort kaysa sa kung anong luho ang pwede niyang gawin sa buhay. Hindi gaya ng mga sikat na artista sa industriya, ibinahagi ni Danica na hindi siya masyadong bumibili ng mga mamahaling damit, sapatos at bags. Kuntento siya na bumili ng mga kumportableng damit na sa tingin niya ay nasa praktikal na estado. 

Ayon pa kay Danica, mas kumportable siya magsuot ng mga common na t-shirts at shorts na galing sa mga pangordinaryong brand sa mall kaysa sa mga mamahaling damit na galing sa mga designer brands. Hindi siya mapili sa tatak ng kung ano ang kaniyang isusuot ang mahalaga lang sa kaniya ay kumportable talaga siya.

Sa isang interview kay Danica sa pagbubukas ng kanilang restaurant ng kaniyang asawa na siyang co-owner nito, siniwalat niya na kahit kalian ay hindi siya bumili ng mamahaling bag para sa kaniyang sarili. Ang mga bags niya ay niregalo lang sa kaniya ng kaniyang mga kaibiga, asawa at ng kaniyang pamilya. Ang kaniyang pinakamahal na bag ay isang Celine na galing pa sa kaniyang ama na si Vic Sotto. Wala din siyang mga collection ng bags at sapatos hindi gaya ng mga ibang artistang babae. 
Kinokonsider ni Danica ang kaniyang sarili bilang isang taong praktikal na alam ang mga priorities niya sa buhay. Madalas, nangunguwenta pa siya ng mga pros and cons na mga gamit na kaniyang bibilhin. Hindi lang naman pinipili niya ang pinakamura ngunit tinitignan din niya ang kalidad ng produkto na kaniyang bibilhin. Sinisigurado niyang ang kaniyang bibilhin lagi ay ang may pinakamagandang kalidad at pinakamurang presyo.  

+ There are no comments

Add yours