Importante na Pagsuotin ng Baby Socks ang Inyong mga Sanggol Dahil Posibleng Mangyari sa Paa ng Bata ang Ganitong Sitwasyon!




Isa nanamang magulang ang nagbigay ng awareness o babala para sa ibang magulang na may sanggol na maraming pwedeng maging dahilan ng pagiging iritable ng isang bata. Marami rin ang mga paraan kung saan malalagay sa panganib ang ating mga anak dahil sa mga maliliit lang na bagay na hindi natin gaanong natutuunan ng pansin.

Ibinahagi ni Scott Walker sa kanyang social media account ang isang insidente kung saan sinabi niya ang mga posibleng delikadong mangyari sa mga bata at lalo na sa mga sanggol kung hindi ito nakasuot ng baby socks o protection sa paa.



Nangyari ang insidente na ito sa kanyang anak noon January 2016. Napansin nila na iyak ng iyak ang kanilang baby at ito ay iritable sa hindi nila alam na dahilan. Noong nakita nila na ito ay umiinit na at tila hindi na mapalagay ang bata, sinubukan nilang tanggalin ang kanyang suot na baby socks. Laking gulat na lamang ng Ama nang makita niya ang mga daliri sa paa ng bata na namumula at namamaga na.

Ang akala ng mga magulang ng bata ay nakagat ito ng insekto, subalit wala silang makitang insect bites mula dito. Ang nangyari pala sa bata ay isang hibla ng buhok ang pumulupot sa isang daliri ng paa ng sanggol. Hindi nila ito agad napansin kaya naman namula at namaga ang daliri nito sa paa at siyang naging dahilan ng sobrang pag iyak at pagiging iritable ng bata. 


Maswerte ang bata dahil ang kanyang ina na si Jessica Laubhan ay isang registered nurse at dali dali niyang tinanggal ang buhok na nakapulupot sa paa nito gamit ang magnifying glass at tweezers.




Makalipas ang 45 na minuto ng insidente, sinubukan ng ama na kuhanan ng photo ang daliri ng bata upang maipakita ito sa ibang mga magulang at makapagbigay babala sa kung anong mga posibleng mangyari sa bata ng hindi natin napapansin. 

Ang insidente na ito ay tinatawag na hair torniquet kung saan ang ilang hibla ng buhok ay maaaring pumulupot sa daliri natin

+ There are no comments

Add yours