Isang Nilalang na Nakuhanan na Naglalakad sa Ulap, Nagpatindig Balahibo sa Mga Netizens!
Sa Pilinas, maraming mga tao ang kilala sa pagiging relihiyoso at mga taong naniniwala sa mga haka-haka o mga paniniwala. Ang mga Pilipino ay madaling makumbinsi ng mga signos na nagpapatunay ng pagkakanatural ng isang pangyayari.
Ang katangiang ito ay nakuha din ng mga ibang lahi sa ibat-ibang bansa. Ang mga spiritwal na tao ay lagging maghahanap ng katibayan sa mga pangyayari sa mundo, na magpapatunay na ang isang totoong pangyayari ay talagang totoo.
Gaya na lamang ng isang hindi maipaliwanag na video na nakuha ni Solo Dolo, isang maninirahan sa Alabama. Ang langit ay kaniyang kinunan na may nakikitang isang maliwanag na bilog sa gitna ng mga maiitim na ulap na tila parang paulan. Ito ay kaniyang idineklara na ang Diyos ang nakita sa maliwanag na bilog na naglalakad sa gitna nito. Matapos itong maging viral sa pagkakaroon ng mahigit isang milyong views.
Ang footage na kaniyang ipinost ay nagkaroon ng maraming komento mula sa mga netizens kung ano ang kanilang pinaniniwalaan. May isang tao ang nagsabi na ito ay maaring hindi ang Diyos dahil walang nakakaalam kung ano talaga ang itsura nito at maaring anghel lamang ito. Marami din ang nagpapatawa na nagsabing ito nga ang Diyos. At syempre hindi mawawala sa internet world ngayon ang mga nagsasabing maaring edited ang larawan.
Totoo man o hindi, hindi dapat pinagtatawanan ang kung ano ang paniniwala ng isang tao. Maaring may mga opinion tayo katulad ng sa iba o wala ngunit hindi natin maiaalis ang mga paniniwala ng pangindibidwal na tao.
+ There are no comments
Add yours