Ito Pala ang Totoong Kwento ng Titanic na Mas Nakakalungkot at Heartbreaking Kaysa sa Pelikula Nito!




Sa loob ng 20 years, sikat pa rin kahit sa mga kabataan ang love story ni Jack (Leonardo DiCaprio) at Rose (Kate Winslet) na nafall sa isa’t isa habang sila ay nakasakay sa Titanic. Kung isa ka talagang fan ng Titanic movie kilala mo na siguro ngayon ang naging inspirasyon ng istorya ng movie na ito. Kung hindi mo pa sila kilala, ipapakilala ko sila sa iyo sa artikulong ito.

Ang tunay na Jack ay ang isang 67 year old at may-ari ng Macy’s department store na si ‘Isidor Straus’. Habang ang kanyang Rose naman ay ang 63 year old na si ‘Ida’ na kabilang rin sa mga pasahero. Mayaman silang pareho at si Isidor ay kilalang kongregista at pilantropo. 

Ayon sa kanilang totoong kwento, sila ay natutulog nang bumangga ang totoong RMS Titanic sa iceberg.




Nabigyan sila ng pag-asang mabuhay ng nalaman nilang may espasyo pa sa lifeboat na sinasakyan ng mga tao. Pero ang nakakaantig rito ay nang tumanggi silang umupo sa natitirang pwesto sa lifeboat dahil ang alam nila marami pa ang hindi naililigtas sa barko gaya ng mga babae at bata. 



Inaya ni isidor ang kanyang asawa na pumunta na sa lifeboat pero mas pinili niya na maiwan nalang kasama ang kanyang asawa. 

Ikwinento ng mga nakaligtas na pasahero at mga nakakita sa mag-asawa na parehong silang lumuluha habang hawak ang kamay ng isa’t isa. Kabilang ang katawan ni Isidor sa higit 300 na natagpuan pero hindi na muling nasilayan o nahanap ang katawan ni Ida.



Inalala ang dalawa sa pamamagitan ng memorial service na nangyari noong May 12 na dinaluhan ng humigit kumulang 6,000 na tao. Bilang pagkilala, sa dulo ng pelikula makikita ang dalawang matandang asawa, kahit walang sinabi mararamdaman mo ang pagmamahal nila sa isa’t isa dahil tanggap na nila ang kanilang kamatayan pero masaya naman dahil magkasama pa rin sila hanggang dulo ng kanilang huling hininga.


+ There are no comments

Add yours