Madalas ba kayo Kinakagat ng Lamok? Narito ang 10 Bagay na Dapat Gawin Para Mawala ang mga Lamok sa Bahay!






Dahil tag-ulan na naman, nakikita na naman natin ang mga lamok na may dalang mga sakit hindi lamang dengue kundi pati na rin ang Malaria, West Nile virus, filariasis, encephalitis, at yellow fever na maaaring makapagpahirap sa atin. Pero ang goodnews naman ay maraming safe at natural ways para mailayo sa mga lamok ang inyong bahay, garden at lalong lalo na sa iyong balat mismo.


Maniwala ka man o hindi minsan ay pinipili nila ang kanilang biktima dahil sa isang study “mosquitoes land on people who have type O blood twice as often as they landed on people with Type A blood.” Ilan pang halimbawa ng kanilang nilalapitan ay ang mga umiinom ng beer, pregnant women at ang may suot ng dark colors na damit. Pero ang mga iyon ay mga study lamang at ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi.


Narito na ang ilang mga paraan para maiwasan ang lamok sa loob man o labas ng bahay:



1. Magtanim ng mga Herbs at Flowers that Repel Mosquitoes

Ang mga halaman sa bahay ay hindi lamang pampaganda o pangdisenyo dahil pwede pala itong pangpataboy ng mga lamok. Ang mga halaman na tulad ng Rosemary, Lavander at Basil dahil mayroon itong oils o iba’t ibang ingredients na hindi gusto ng mga lamok kaya naman linalayuan nila ito.


2. Coffee Grounds


Kung isa kang coffee lover at gumagamit ng coffee grounds, pwede rin itong pampaalis o pampatay ng mga umaaligid na lamok. Nabubuhay ang mga lamok sa kanal o kahit ano pang na may gamit nang tubig pero hindi tinatapon. Para gamitin ito, kailangan mong ibuhos ang coffee grounds sa mga nasabing tubig dahil mapapatay nito ang napakaraming mosquito eggs kaya naman hindi na sila kalian pa makakakagat.

3. Gumamit ng Fan

Normal man itong pakinggan sa inyo pero epektibo talaga ito dahil hindi ka lamang pinapatatiling cool at fresh pati na rin ang pagtataboy sa mga lamok ay nagagawa niya. 

4. Huwag masyadong gumamit ng Beauty Products 

Kung hindi man talaga kailangan ng napakaraming beauty products sa loob o labas man ng bahay huwag nalang gumamit dahil gustong gusto ng mga lamok ang mga lotions, hairspray, perfume at kahit na deodorant. Kaya naman kapag gumagamit ka ng lotion o anumang beauty products siguraduhing mayroon itong lavender, basil, rosemary at eucalyptus scent na ingredients.

5. Eat enough garlic




Mabuti para sa panloob at panlabas na kalusugan ang bawang dahil may compound ito na nakatutulong para layuan ka ng mga lamok. Kapag kumain ka ng tamang dami ng bawang maaari kang iwasan ng mga lamok sa loob ng 2 hanggang isang buwan ayon sa isang study.

6. Magsuot ng light-colored shirt at pants

Kapag pinaplano mong lumabas o mag-adventure siguraduhin mong huwag magsuot ng mga dark colored shirt dahil mabilis nitong maattract ang mga lamot. Hindi tulad ng light colored shirt at pants na hindi masyadong dinadapuan ng lamok.

7. Peppermint oil


Lahat ay pamilyar sa matamis at fresh na amoy ng peppermint, habang nagugustuhan natin ang amoy nito, ang mga lamok naman ay ayaw sa mga ganito. Para gamitin ito ay kumuha ng spray bottle at ibuhos ang pinaghalong peppermint at peppermint oil pagkatapos ay ispray ito sa inyong mga bintana tuwing umaga at gabi at hindi lang nito maitataboy ang mga lamok dahil mayroon pa itong mabangong amoy.

Maraming nabibiling mga Repellent Products sa market pero ang iba ay mahal at may lamang mga kemikal na masama sa iyong kalusugan.

Narito ang dalawang mga idea na mura na, epektibo pa!
1. Chemical Free Insect Home and Room Spray

Ang una ay itong spray na maaaring magpalayo o makapatay ng lamok.

Ingredients:
Apple cider vinegar
Water
5 drops tea tree essential oil
5 drops lemon essential oil
5 drops eucalyptus essential oil

Ang gagawin mo lang ay maglagay sa isang spray bottle ng kalahating tubig at kalahating apple cider at isunod ang mga oils na nabanggit. Gamitin ito pang spray sa iyong kwarto o bintana.

2. Herb Infusion Surface Spray
Ang pangalawa naman ay isa ring spray na puwede mong gamitin sa mga lamesa. Nalilinis nito ang lamesa habang nakakataboy na rin ng mga insekto.

Ingredients:
Apple cider vinegar
Water
A few leaves of fresh lavender, catmint, sage, and thyme

3. Maglagay sa isang spray bottle ng kalahating tubig at kalahating apple cider vinegar. Idagdag ang mga herbs, Haluing mabuti at hayaan ito overnight. 

4. Build A Pond

Hindi naman sa hinihikayat ko kayong magpatayo ng pond para lang maalis ang mga mosquito pero ang mga ponds ay mabisang pampatanggal ng lamok dahil ang mga dragonflies at isda ay mosquito eaters.

+ There are no comments

Add yours