Matapos Sabihan ng Bobo ang Isang Babae na Ito, Nagsumikap at Nakapagtapos Siya ng Kolehiyo ng may Tatlong Degree!






Karaniwan ang lahat ng nagtatapos sa kolehiyo ay umaabot lamang sa apat na taon. Ngunit dahil sa hirap ng buhay at hirap ng mga kailangan gawin, may mga iba na hindi agad nakakapagtapos ng pag-aaral, may iba naman na may problema sa pinansyal o sariling problema kaya hindi agad nakakapagtapos ng kolehiyo. Subalit ano pa man ang mga rason ng paghaba ng taon sa college ay importante ang makapagtapos nito. 

Narito at matutunghayan natin ang hirap ng pinagdaanan ni Wynona Pauline Catapang na 21 taong gulang, na nakapagtapos ng kolehiyo ng Tatlong Degree.

Mainspire kayo sa sipag at tiyaga ni Wynona na makapagtapos ng pag-aaral kahit siya ay madalas na tawaging ‘Bobo’ ng kanyang mga kakilala noong umabot siya ng limang taon sa kolehiyo.





Marami ang humadlang sa kanya sa kanyang pangarap, ngunit hindi ito hinayaan ni Wynona. Bagkus, mas nagsumikap pa ito upang maabot ang mga goals niya sa kanyang buhay. Ngayon, nakapagtapos ng Tatlong Degree sa St. Scholastica’s Collegesi Wynona.

Sa kaniyang graduation post, nag-balik tanaw siya sa mga nakaraang araw na nakakaramdam na siya ng pagsuko. Tinatanong niya ang kaniyang sarili kung worth it pa ba ang lahat. Ayon sakanya, napakahirap ng lahat dahil kailangan niyang i-maintain ang kaniyang grade, dahil ang dalawa niyang course ay may quota na grade B. Mataas ito dahil parehas na courses pa niya.

Dumating pa sa panahon na na-on probation na siya dahil sa napagiiwanan na niya ang isa niyang course at dumating pa ang deadline ng kaniang thesis na sobra siyang naistress kasabay pa nito ang pagpanaw ng kaniyang lola. 


Ngunit hindi siya nagpatinag, ibinigay sa kaniya ni God ang ganitong pagkakataon at kailangan niya itong pahalagahan kahit marami ang bumabatikos sa kanya. Ang ilan sa mga bumabatikos sakanya ay sinasabihan itong ‘bobo’ at ‘ambisyosa ngunit hindi pa rin ito naging hadlang kay Wynona upang makapagtapos ng pag-aaral.


Ang kaniyang secreto sa kaniyang natamo sa edad na 21 na nakapagtapos ng tatlong degree ay ang diskarte, sipag at tiyaga. 





Sa tulong ni God, sa mga taong nagbibigay suporta sa kaniya, sa pamilya, kaibigan ay kinaya niya ang ano mang pagsubok na dumaan sa kaniya kaya niya nakamit ang tatlong Degree sa Kolehiyo.

Ayon kay Wynona na hindi niya sinadyang mag-aral ng dawalang major. Noong High School pa lamang siya sa kaniyang career test ay lagi siyang tumutugma sa communication related jobs at noong bumalik ang kaniyang term paper, nalaman niya na related ito sa Psychology kaya naging interesado siya dito.


Noong nag fill up na siya ng application form isinulat niya ang Mass Communication and Psychology para malaman kung mayroon bang double major program ang eskwelahan, sinubukan niya ito kahit na hindi niya alam ang kaniyang ginagawa.


Kahit mahirap ay nakapagtapos siya ng B.A. Mass Communication minor in Development Communication, B.S Psychology, at B.A. Guidance and Counseling. Ayon sakanya, kaya itong gawin nang lahat basta disedido, madiskarte, at focus lang sa pangarap sa buhay upang makamit ang mga pangarap.

+ There are no comments

Add yours