Mga Helpful Tips Para Malaman Kung Peke o Tunay ang Nabilang Bigas!






Kamakailan ay pumutok ang balita na may kumakalat sa mga pamilihan na nagtitinda umano ng pekeng bigas. Agad na naalarma ang ilang ahensya ng pamahalaan kasama ang NFA(National Food Authority), DTI(Department of Trade and Industry), at DOH(Department of Health) upang suriin ang mga peke na itnitinda sa palengke.

Agarang inimbestigahan ang naturang insidente para malaman kung ano nga ba ang bigas na ito at ano ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ng mga mamimili.

Ayon sa mga taong nakabili at nakapagluto ng naturang pekeng bigas, malalaman mo na peke ito kung:


– kakaiba ang tekstura
– kakaibang kulay
– nangangamoy ng kakaiba kapag ito ay isinaing
– nagmumukhang styro-foam pagkatapos lutuin
– kung susunugin naman ito ay natutunaw na parang plastic



Ayon sa pagsusuri na isinagawa ng NFA, ang pekeng bigas ay may taglay na dibutyl phthalate na isang uri ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng mga produktong cosmetics. 

Pinaniniwalaan rin na yari ito sa ilang sintetikong material na hinaluan ng patatas at kamote. Sinasabi rin na maaaring may taglay rin na ibang uri ng starch na nagmula sa mais o patatas.


Ang pagkain ng pekeng bigas ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa kalusugan dahil sa may taglay na sintetikong material. Maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan, pagbara sa daluyan ng pagkain, pagkaba0g, at k@nser.



Dapat na suriin mabuti ang bigas na binibili, maging mapagpatiyag at alisto. Bumili sa mga kilalang pamilihang nagbebenta ng dekalidad na bigas.


Narito ang kaalaman kung Paano malalaman kung peke ang bigas:
• Kumpara sa natural na bigas, ang peke ay mas maputi. • Mas magaan ang timbang • Iba ang hugis nito sa normal na bigas • May makintab na tekstura • Mahirap na putulin o madurog • May amoy na kemikal

+ There are no comments

Add yours