Nais mo ba ang Mahimbing na Tulog? Narito ang mga Pagkain na Nakakatulong sa Pagtulog!






Kayo ba ay hirap makatulog? Nasubukan mo na mag-exercise at uminom ng maraming gatas pero hindi ka pa rin makatulog? Maaaring ang dahilan nito ay ang iyong pagdidiet dahil ang ating tulog ay sinasabing konektado at nababase sa ating mga kinakain.



Upang maging malusog kailangan ng isang tao matulog ng 6 hanggang 8 hours na pagtulog. Para maachieve ang ganyang oras ng pagtulog kailangan ng regular na ehersisyo at tamang pagkain kaya naman narito ang dapat niyong kainin para magkaroon ng maganda at masarap na tulog.

1. Nuts- Ang nuts tulad ng almond at walnuts ay magandang source ng tryptophan at magnesium na maganda para tayo ay makatulog pati na rin sa ating mga buto.



2. Tuna- ang mga isdang tulad ng tuna, halibut at salmon ay may mataas na vitamin B6 na kelangan ng katawan para gumawa ng melatonin at serotonin.


3. Cherry Juice- maganda itong inumin para sa mga taong hirap makatulog kapag gabi o ang mga taong may Insomia dahil kapag uminom ka nito ay madali ka nalang makakatulog.


4. Tea – Ang mga tea lalo na ang chamomile tea ay naglalaman ng apigein, isang antioxidant na mabuti para sa iyong utak dahil nababawasan nito ang Insomia.


Narito ang ilan pang halimbawa:

-Leafy Greens 
-Poultry
-Whole Grain
-Eggs
-Grapes
-HoneyBeans Dairy



May mga pagkaing nakakatulong sa iyong magtulog dahil maganda itong source ng melatonin pero wala pang nakapag-aral sa kung ano ang epekto nito sa iyong pagtulog, itong ang ilang halimbawa:

-Milk
-Banana
-Oatsg

*ang melatonin ay isang hormone na ginagawa ng pineal gland at nagpapaganda ng cycle      ng ating pagtulog.*
Kung ikaw ay magmimidnight snack siguraduhin wag masyadong maraming pagkain ang kainin dahil baka hindi ito matunaw o kaya papanatilihin ka nitong gising. Umiwas rin sa pag-inom ng kape kung nais mong makatulog ng maganda at maaga. Ang pagkakaroon ng tamang pagtulog ay nakakaimprove ng iyong mental at physical health kaya ugaliin ito.

+ There are no comments

Add yours