Nakaka-Inspire ang OFW sa Saudi Arabia na Nagbalik ng Isang Wallet na Naglalaman ng 104, 000 Pesos!






Kung ikaw ang makakapulot ng napakalaking halagang pera ano kaya ang iyong magiging reaksyon at ano kayang move ang iyong gagawin? Marami sa atin ang magtatangkang kunin ito dahil sa napakalaking halaga at may iba naman na isasauli ito sa may-ari. 


Tulad nalang ng ginawa ng isang Proud OFW na ito na ibinahagi niya sa kanyang social media account ang pangyayari. Papunta ang OFW na si Raymond Lopez sa Riyadth, Saudi Arabia at umupo ito sa dulo ng bus at may natagpuan siyang isang wallet na may laman na 8, 000 Riyal o 104, 000 pesos. Ang unang ginawa nito ay kinuha ang wallet at hinanap kung may residence ID upang ma-ipost niya ito bilang isang lost and found. 






Habang ginagawa niya ang istorya tungkol sa kanyang nakitang wallet, may lalaki na umakyat sa bus at tila may hinahanap. Buti nalang at nakilala ito ni Raymond dahil sa kanyang picture sa kanyang ID. Agad agad naman sinabi ni Raymond ang “Sir Your wallet!” at ibinigay ito sakanya. 




Halos maiyak ang lalaki at niyakap niya ito ng mahigpit at nagpasalamat kay Raymond dahil nakuha niya at ibinigay ang kanyang wallet na may laman na malaking halaga ng pera.




Ayon kay Raymond, hinintay ng lalaki ang bus na makaikot at halos mamula mula ang mata nito pag-akyat ng bus. Ipinost ito ni Raymond sa kanyang social media account upang maibahagi na dugo at pawis ang naipupundar ng iba upang makapagipon ng napakalaking pera para sa pamilya at hindi tama na basta kunin nalang ito ng kahit sino. 




Isa itong example na maraming mababait na tao sa mundo lalo na ang mga Pilipino na alam kung gaano kahirap ang magtrabaho para makapagbigay ginahawa sa ating mga pamilya. Maging isang leksyon sana ito sa lahat na kapag mayroon tayong nakita o napulot na pera o bagay, mas mabuti pa rin na ibalik natin o hanapin ang may-ari nito dahil hindi natin alam kung gaano niya kailangan ito para sa kanyang pamilya. 



Maraming netizens ang natuwa at na-inspire sa ganitong pangyayari dahil nalaman nila na hindi padin nawawala ang pagiging mabuting loob ng ibang tao. 


+ There are no comments

Add yours