Take a Look at Vic Sotto and Pauleen Luna’s Elegant Two-Story House in Laguna






Makalipas ang tatlong taong relasyon nina Vic Sotto at Pauleen Lun bilang mag-syota ay nagpakasal sila noong Enero 30,2016. Biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Talitha Maria Luna Sotto. 

Ngayon, sila ay nakapagpatayo na at nakatira sa isang two-storey house sa Laguna. Ika nga ni Pauleen hindi biro ang pagpapagawa ng kanilang bahay.


Ayon sa kanya, maraming choices ang pagpipilian at gawa ng pagiging busy, hindi siya ang mismo na pumupunta at naghahanap ng mga construction materials. Sa tulong ng architect at design professionals binuo nila ang kanilang dream home at sakanila pinaubaya ang lahat ng kailangan para mabuo ito. 



Natapos ang pagpapagawa sa bahay ng isa’t kalahating taon. Masaya sila resulta na hindi nila ito minadali dahil sabi nga ni Pauleen na mas mabuti nang matagal kaysa madaliin dahil baka ito ay maging pangit lang. 

Tignan natin ang ang Two-Story House ni Vic and Pauleen Luna-Sotto:


Tila ang gara ng itsura ng kanilang bahay kahit ito ay walang specific na style, ito ay may halo lamang na modern, Asian at tropical elements. 




Paniguradong makakakuha ito ng atensyon sa mga taong mapapadaan lalo na sa gabi dahil na rin sa maraming ilaw na nakapalibot sa kanilang bahay na siyang mas nagpatingkad ng structure at interior nito.



screengrab via realliving

Gusto ni Vic ang malinis at maaliwalas na bahay, na may kasamang mga halaman at paintings na nagbibigay ng buhay sa bawat parte ng bahay. Kaya sa pagpasok pa lamang ay babati na sa iyo ang natural na liwanag at kahanga-hangang mga art collection.


screengrab via realliving

Makikita ang chocolate colored leather coach na kasing laki ng bed na napakasarap magpahinga at magrelax. Ang buong Living Area ay nagbibigay rin ito ng maaliwalas at comportableng pakiramdam 

screengrab via realliving

Ang Dining Area ay madaling i-access sa iba’t ibang parte ng bahay. May tatlong set ito nang glass sliding door, may napakaliit o iilan na décor, kapansin-pansin rin ang modern lighting piece ng Keystone. Ang dining table ay gawa sa narra na customize piece ng isang local furniture maker at ang upuan na pinartner para mas magmukhang elegante ay galing sa Crate & Barrel. Makikita rin dito ang art work ni Paulina Sotto.



screengrab via realliving



Ang Kitchen ay malaking espasyo na nilagyan ng mga drawer at cabinet para sa mga importanteng gamit. Mula sa kitchen ay mayroong sliding door na papunta sa lanai at foyer. Mayroon din itong six seater dining table.

screengrab via realliving


Ang Common Bathroom Sa first floor ay may maaliwalas na espasyo. Ito ay may bench, art works ni Pauleen, at scented candles na nagbibigay ng magaan na pakiramdam.


screengrab via realliving


Mayroong dalawang extra bedrooms para sa mga susunod na future baby nila Vic and Pauleen. Sa ngayon open ito para sa mga bisita. Makikita rito ang mirror closet, isang bed,table at bathroom. Mula sa room ay matatanaw ang kapaligiran sa labas. 


Mula sa Veranda matatanaw ang golf course ng subdivision at ang swimming pool sa ibaba. Maaari rin makita ang magandang kapaligiran mula sa master’s bedroom. Si Vic at Pauleen ay nai-enjoy na kumain rito sa umaga at tinitignan ang magandang view sa kapaligiran.

screengrab via realliving


Ang Lanai area naman nila ay perfect para sa get-togethers, sa buong angkan ng Sotto. Mayroon itong six piece outdoor sectional sofa, wooden coffee table, dining set na glass top dining table at 10 upuan. Maaaring magenjoy rin sa barbeque party na pinasadya sa paggawa rito.

screengrab via realliving



Ang Swimmingpool na malapit sa Lanai ay hindi lumalagpas sa 10 meter. Ang buong bahay nag bibigay ng maaliwalas, mapayapa at tahimik na pakiramdam.

+ There are no comments

Add yours