Umulan ng Maraming Batikos ang Ilang Banner na Inilagay sa Footbridge ng Maynila Dahil sa Nakasulat Dito!






“Welcome to the Philippines, province of China” Iyan ang mga katagang bubungad sa ilang footbridges sa Metro Manila. Nagviral ang isang litrato na kuha ng isang netizen ngayong araw lamang dahil makikita ang mga offensive na tarpaulin na ito, dalawang taon makalipas manalo ang Pilipinas sa arbitration case laban sa China.

Hindi malinaw sa lahat kung sino nga ba ang naglagay ng mga tarpaulin na mayroong Chinese flag at Chinese characters na mukhang kinuha ang idea mula sa isang joke ni President Rodrigo Duterte na maaaring maging probinsya ng China ang Pilipinas.



“He (Xi Jinping) is a man of honor. They can even make us ‘Philippines, province of China,’ we will even avail of services for free,” ang sabi ni President Duterte sa isang pagpupulong ng Chinese-Filipino business leaders “If China were a woman, I’d woo her.” Dugtong pa niya.



Nakuha nito ang pansin ng ilang netizens na mahilig gumamit ng social media at isa sa mga hindi nasiyahan ay ang former Solicitor General na si Florin Hilbay na isa sa miyembro ng legal team na nanalo sa kaso laban China noong 2016. Nagpost siya sa kanyang twitter account ng litratong may caption na:



“NOT FUNNY.

On this day, July 12, we commemorate our victory in Philippines v. China.

On Metro Manila footbridges, these tarps suddenly appear.




MMDA, LGUs, and citizens should immediately take these down.”


Suspetya ng presidential spokesperson na si Harry Roque na ang nasa likod ng mga tarpaulin na ito ay ang mga kaaway ng gobyerno o ang mga may ayaw sa gobyerno.


Ayon sa report ng ANC inalis agad ang napagusapang tarpaulin ng Metro Manila Development Authority para hindi na ikagambala pa ng iba. Subalit marami na ang nakakita rito at marami ang nagkomento tungkol sa walang respeto na paglalagay ng offensive banners na ito.

+ There are no comments

Add yours