Baby Acne: Limang Paraan Para Matanggal at Maiwasan ito sa mga Sanggol!
Hindi lang ang mga kabataan ngayon ang nagkakaroon ng problema sa kanilang mukha dahil pati ang mga baby ay meron ring tinatawag na baby acne. Tulad ng mga acne na makikita sa mukha, white o red bumps, ganoon rin ang itsura ng baby acne kaya hindi mapagkakamaliang rashes ito.
Ang baby acne ay tinatawag ring neonatal acne na nangyayari sa halos 20 percent newborns, na nananatili hanggang 2 to 3 weeks matapos mapanganak ang bata. Tulad ng pangkaraniwan na pimples, Ito ay makikita rin sa cheeks at minsan ay sa noo, baba at sa likod ng bata.
Ano nga ba ang dahilan nito?
Maniwala ka man o hindi, kapag sa adolescent acne, hormones and pinapaniwalaang dahilan pweo kapag naman sa newborns, hindi sa bilang isang holdover mula pregnancy. Ang maternal hormones na ito ang kumontrol sa oil-producing glands ng bata na naging dahilan ng paglitaw ng mga pimples.
Isa pang dahilan ay hindi pa masyadong develop and skin ng mga baby kaya mas medali silang kapitan ng mga dumo at blemishes. At ang mga baby ay mayroong napakasensitive na skin kaya isa rin ito sa mga factors.
Paano ito maaalis?
Minsan kahit walang ginagawa ay kusa na lamang itong naaalis sa loob ng ilang linggo o ilang buwan pero mayroong mga prescribed medicated cream o ointment na nakakatulong mawala ang mga ito. Pero para hindi na masyadong gumastos narito ang ilang dapat at hindi dapat gawin para maalis na ang acne ng baby.
1. Panatilihing malinis ang mukha ng baby. Sa pamamagitan ng paghuhugas ng mukha ng baby gamit ang maligamgam na tubig at mild baby soap at dahan dahan lang ang pagpunas sa mukha ng bata para hindi ito ma-irritate.
2. Iwasan ang paggamit ng harsh products. Huwag ng gumamit ng mga scented soaps, bubble bath o kahit anong uri ng sabon na may maraming chemicals.
3. Huwag gumamit ng over-the-counter acne medicines dahil masyadong sensitibo ang balat ng bata at baka mas lalong magkaroon ng hindi magandang reaction mula rito.
4. Huwag munang maglagay ng lotion. Minsan mas pinapalala nito ang acne. Ang paglalagay ng lotion sa bata ay posibleng makapag dulot ng skin rash.
5. Huwag itong pisilin o i-scrub. Hayaan lamang ito ay kusa mawawala ang acne kung laging malinis ang balat.
Mas magandang hindi nalang gumamit ng kung ano-anong produkto sa mukha hindi pa sila pareho sa skin ng mga mas nakatatanda at maghintay nalang na mawala ang acne dahil maaalis na rin naman ito pagkalipas lang ng ilang linggo o buwan.
+ There are no comments
Add yours