Silipin ang Napakalaki at Eleganteng Bahay ni John Lloyd Cruz!
John Lloyd Cruz kilala sa industriya ng Philippine Showbiz, hinahangaan ng karamihan at iniidolo. Isa siyang actor, model, at occasional TV host. Isa siya sa pinapangarap ng karamihan na maging-leading man. Marami na siyang nagawang mga proyekto sa industriya ng showbiz mapapelikula man ito o telebisyon. Marami na siyang nakatambal sa industriya kabilang na si Kaye Abad, Bea Alonzo, Sarah Geronimo at Angel Locsin.
Ngayon, silipin natin ang bahay ni John Lloyd sa Antipolo:
Makikita ang kulay puting bahay ni John Lloyd na may napaka-eleganteng istraktura sa Antipolo. Kahit sino na mapapadaan sa bahay nito ay mapapatingin dahil sa laki at ganda ng pagka diseniyo nito sa labas.
Alam ni John Lloyd na ayaw niya ng modern design style dahil ang mas gusto niya ay yung balance sa pagitan ng elegante at casual. Kaya ang ginawa sa kaniyang bahay ay French Mediterranean structure at American design interiors.
Sa harapan pa lamang ng bahay ay hahangaan na ang ganda nito. Makikita na nasunod ang kagustuhan ng actor na magmukha itong bahay kagaya ng kanyang bahay sa Los Angeles.
Ang bahay ay nagbibigay ng diin sa nakarerelax na pakiramdam dahil sa may malawak na espasyo, at magandang kapaligiran nito.
Sa Outdoor naman ay makikita rito ang swimming pool at koi fish pond na nakapag bibigay rin ng relaxing na pakiramdam at nakadagdag sa ganda ng kabuuan ng bahay at view nito.
Sa pagpasok sa bahay ay sasalubong ang malawak na espasyo na nakapagbibigay ng maaliwalas at preskong pakiramdam. Sa itaas ng front door makikita ang customized oversized clock, makikita rin ang wooden floors, at hagdan na patungo sa mga bedrooms.
Sa ibaba ng hagdan na konektado sa dining area at living room ay makikita ang Powder room. Sa loob nito sasalubong ang warm lightning, topnotch fixtures at flower arrangement na parang nasa hotel.
Sa Dining Area naman ni John Lloyd ay makikita rito ang 10 seater at dining area na gawa sa Narra. May dalawang Murray Feiss chandeliers na nagpadagdag ng warm glow ng buong room.
Habang sa Kitchen Area ang paboritong parte ng bahay ni John Lloyd. Makikita rin dito ang wall mounted TV na habang kumakain ay maaaring makapanuod ng mga balita, masarap din tumingin sa labas at makita ang magandang view sa may bintana. May mga eleganteng upuan at iba pang appliances, fixtures, at accessories ang kumukummpleto sa kitchen area.
Habang hinahanda ang pagkain sa dining area maaari naman na mag relax sa Lanai. Makikita rin ang kagandahan ng view sa labas at mga iba pang parte ng kabuuang bahay na nakapgbibigay ng magandang pakiramdam, nakakarelax, lumanghap ng sariwang hangin, at maaari din kumain sa lanai habang tumatanaw ng magandang view dahil may 8 seater dining set ng Arte Espanol.
+ There are no comments
Add yours