6 na Bagay na Hindi mo Dapat Gawin Kung Walang Laman ang Inyong mga Tiyan







Ang pagkain ng breakfast ay isa sa pinakaimportanteng bagay na kailangan gawin sa umaga. Kahit pa man ito ay pagpaandar sa inyong metabolism o pagsipa sa inyong craving noong nakaraang gabi, importanteng panatilihing well balanced ang inyong kakainin kapag bago kayong gising. 

Dahil ang breakfast ay kinokonsumo kapag walang laman ang inyong mga tiyan, maraming pagkain ang kailangan bigyan ng pansin at iwasan upang hindi mapahamak ang ating katawan. Narito ang mga halimbawa sa mga ito:




1. Taking anti-inflammatories
Kahit na ito ay magandang solusyon upang magamot ang sakit at pamamaga, ang pag take ng anti-inflammatories na gamot gaya ng aspirin, paracetamol at iba pa ay maaring maging sanhi ng mas malalang problema kung ito ay ating kokonsumohin ng walang laman ang ating tiyan. Ang mga panganib ay maaring mas maging Malala ang inyong pakiramdam.

2. Paginom ng Kape
Ang paglagpas ng pagkain ng agahan at ipalit ang paginom ng kape ay hindi magandang ideya. Dahil ang paginom ng kape ay nagdadagdag ng acid sa inyong tiyan na maaring maging sanhi ng mas malalang problema. Ag pagkakaron ng matinding acid sa inyong tiyan ay maaring makasira ng inyong mga intestines at digestice tract. May mga ilang karamdaman ang maaring maeksperiyensya gaya ng acid reflux at heartburn. 

3. Paginom ng Alak
Kung walang kain, ang alcohol absorption ay tumataas ang dalawang porsyento na maaring maging kagaya ng intravenous injection. Maaring makasira ito ng ating mga liver, puso at kidneys.


4. Pagnguya ng Gum
Ang pag-nguya ng gum sa walang laman na tiyan ay maaring makapagloko sa ating digestive tract na tayo ay kumakain talaga. Maaring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng gastritis. Sinasabi nila na mas masama pa ang epekto ng pag-nguya ng gum kaysa sa pagkain ng matatamis at junk food. Maaring maging sanhi din ito ng mga dental problems.

5. Magehersisyo
Ang intense trainings ay maaring makapagpalaki at makapagstretch ng inyong mga muscles at mas matindi ang pangangailangan ng protina at carbs ng inyong katawan. Ang mga haka haka na ang pageehersisyo ng walang laman ang tiyan ay maaring makapagbawas ng timbang ay maaring hindi epektibo. Dahil mas magkakaroon kapa ng pagkawala ng inyong mga muscles kaysa sa pagkawala ng inyong mga taba.

6. Paginom ng mga Citric Juice
Ang paginom ng mga citrus juice ng walang laman ang inyong tiyan ay maaring maging delikado para sa mga taong may gastritis at maaring makapagdevelop din nito. Maaring dagdagan ang dami ng tubig upang hindi ito masyadong matapang para sa mga tiyan na walang laman.


+ There are no comments

Add yours