Ano nga ba ang Sleep Anxiety at Paano ito Maiiwasan?
Kung kayo ay nakakaranas ng stress sa buhay, malaki ang tsansa na kayo ay mahirap makatulog sa gabi. Ang inyong pagaalala sa mga bagay bagay sa buhay ay ang isang nagpapanatili sa inyong utak na gising hanggang sa disoras na gabi.
Madami ang mga dahilan kung bakit maaring makaranas tayo ng sleep anxiety, isa na dito ay ang pagiisip ng patungkol sa inyong mga trabaho, buhay pag ibig at pati narin ang buhay pinansyal. Isa sa mga sintomas ng pagkakaroon ng sleep anxiety ay ang mabilis na pagtibok ng ating puso. Maaring maranasan natin ang pagiging anxious bago tayo matulog kaya naman nagiging mas anxious tayo dahil sa hindi tayo makatulog.
Ngunit mayroon din namang mga paraan upang maiwasan natin ang pagkakaron ng sleep anxiety:
1. Meditasyon
Maaring subukang irelax ang inyong utak. Maaring umupo ng panandalian o nakahiga habang nakapikit ang mga mata at huminga ng malalim. Maari ding gumamit ng mga applications na makikita sa inyong mga gadgets upang makatulog sa pagpapanatili ng inyong sarili sa kalmadong aspeto. Maari ding subukan ang pagrerelax sa pamamagitan ng pagsqueeze ng inyong mga paa at bitawan ito sa pagkakasqueeze.
2. Mag ehersisyo kada araw
Ang pagsasagawa ng pang araw araw na ehersisyo ay nakakatulog upang magkaroon ng mahimbing na tulog at agarang tulog sa gabi. Ayon sa mga eksperto, maski ang paglalakad ng matulin ay maaring makatulong upang malutasan ang pagkakaron din ng insomnia.
3. Iwasan ang mga gadgets bago matulog
Iwasan ang paggamit ng mga gadgets na maaring magpagising ng inyong diwa. Ayon sa mga pagaaral makakatulong ang pagbibitaw ng gadgets isang oras bago matulog upang maipahinga ang mga mata at makondisyon ang utak na ikaw ay matutulog na. Maaring gumamit ng gadgets kung ikaw ay magpapatugtog ng mga tunog na maaring makapagparelax sa iyo.
4. Umiwas sa paginom ng alcohol o pati narin mga caffeinated na inumin
Ang pag inom ng caffeinated na inumin ng marami o ang pagkonsumo nito ng sobrang gabi ay maaring makapagpataas ng anxiety at maaring pigilan ang antok. Ang pag inom ng alcohol bago matulog ay maaring makapagpabilis ng inyong tibok ng puso. Payo ng mga eksperto ang paginom ng tubig madalas sa isang araw ngunit wag sa bago ikaw ay matulog dahil maaring maging sanhi ito ng iyong madalas naman na pag ihi.
+ There are no comments
Add yours