Grupo ng Kabataan, Sapilitang Pinagnakawan ang Isang Jeep na Puno ng Mga Pasahero at Nakunan Ito ng Video
Hindi lahat ng mga kabataan ay nakakaranas ng magandang estado sa buhay at makakuha ng magandang edukasyon na kanilang kinakailangan. Ang mga ibang magulang ay walang kakayahan na ipadala sila sa mga eskwelahan upang makapag aral. Hindi man ito ang ideal na Gawain ng mga magulang, ngunit ang ilang sa mga ito ay pinipilit nilang magtrabaho kahit nasa murang edad pa lamang. Ito ay kanilang ginagawa upang matugunan ang pang araw araw na pangangailangan ng mga pamilya. Dahil sa kakulangan sa edukasyon at pagkakawalang pag asa, ang iba sa kanila ay gumagawa na ng mga masasamang Gawain gaya ng pagnanakaw.
Nito lamang mga nakaraang lingo, dalawang batang lalaki ang nakunan ng pagnanakaw sa mismong kaha ng jeep sa kahabaan ng Taft Avenue sa Maynila. Ngayon naman, isang grupo ng mga kabataan ang nakuhanan nanaman mula sa di kalayuang bahagi ng Maynila ang nagnakaw, ngunit ngayon ay hindi ito mula sa kaha ng jeep kung hindi mismo sa mga pasahero nito sa loob.
Ayon sa mga reports, ang pangyayari na ito ay nangyari sa kahabaan ng Macapagal Avenue bandang 5:50 PM ng hapon. Kwento ng isang pasahero: Pumasok yung mga nagpapalimos na bata sa loob ng jeep. Mga 12-15 sila sa grupo. Biglang may commotion sa loob ng jeep. May mga nakuhang gamit yung mga bata and nadamay pa yung isang nanay na may kasamang anak. Hindi ko alam yung rason pero binugbog ng mga rugby kids yung nanay sa labas ng window ng jeep.
Sa video, makikita ang isang babaeng bata, ang nagpunta sa gilid ng jeep at hinila ang buhok ng isa sa mga pasahero sa loob. Ayon sa kumuha ng video: Kalahati lang ng incident yung navideohan ko. Natakot ako lumabas kasi baka may knife yung isa sa kanila. But anyway please stay safe folks, especially sa mga nag papalimos na tao/kids.
Sa kabuuan, kailangan magingat ang mga komuters sa kanilang mga kapaligiran anumang oras. Hindi dapat tayo nagtitiwala sa mga hindi natin kakilala na maaring makita natin sa daan. Upang makaiwas sa mga gawain ng mga masasamang tao, kinakailangan natin maging alerto palagi. Maaring mapanuod ang kabuuan ng video dito: https://web.facebook.com/manilabulletin/videos/719000361779787/
+ There are no comments
Add yours