Isang Netizen ang Nagbahagi ng Kanyang Experience at Nagbigay Babala sa Pagkain ng Bopis!




Isa ang bopis sa pagkaing hindi mawawala sa pulutan o anumang tinatawag na pinakakilala o sikat na pagkaing Pilipino. Dahil pasok sa panlasa ng mga pinoy ang mga maaanghang at mahilig rin sa mga iba’t ibang kakaibang pagkain na masasarap naman.

Sa kabilang banda, pinagbabatehan pa kung ang bopis ay talaga bang malinis at maganda para sa ating kalusugan. Dahil may nagsasabi na mayroong mga kondisyon na kung saan ang bopis ay nakakaapekto sa ating bituka. Ang iba naman ay nagsasabing malinis naman ang pagkaing ito at ag iba naman ay hindi masyadong nililinisan ang kanilang mga binebenta kaya naman ang ibang kumakain nito ay nakakaranas ng iba’t ibang sakit.

Tulad na lamang ng naranasan ng isang netizen na nagviral sa loob lamang ng 24 hours dahil sa kanyang post na nagsasabing nakaranas siya ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagkawalang ganang kumain matapos lamang kumain ng bopis. Ang kanyang post ay umabot ng higit 7,500 reactions na may 18,000 comments at 14, 000 shares sa loob ng 17 hours.



Ikwinento niya kung gaano siya kahilig kumain nito at inilarawan pa ang bopis bilang “MABAHO PERO MASARAP”. Sa nagviral niyang post sinabi niya na sa sobrang hilig niya sa bopis niyaya niya ang asawa na kumain nang sabado ng gabi at halos 20 piraso ang kanyang nakain. Nang sumunod na araw nakaramdam na daw siya ng pananakit ng tyan, pagkakaroon ng lagnat at panghihina. “Sobrang sakit talaga ng tiyan ko Kahit gamot nainiinom ko sa lagnat sinusuka ko lang,” kwento niya.

Dahil sa lumalala ang naramdaman, naisipan na nilang pumunta sa doctor para malaman na ang solusyon sa ganonong sitwason. Matapos iyon ay kinausap siya ng doctor na manatili muna sa ospital para mamonitor ang kanyang sakit. Pero tinanggihan niya ito dahil mayroon pa siyang maraming gagawin sa susunod na araw.




“Sabe ng doctor na pag may nangyaring masama saakin wala silang kasalanan. Sbe ko okay po resitahan nalang kamo ako ng gamot then niresetahan ako ng pampatunaw dun sa bopis na kinain ko. Nung chineck nila yung pop ko so ayun na nga may nakain akong pag kaen na sobrang dume,” Kwento niya.

“Pano ko nasabeng sobrang dume? Yun yung lumabas sa laboratory na napaka dumi ng pagkaing bopis,” bunyag niya. Binalaan niya na rin ang publiko na mag-ingat sa mga kinakaing bopis dahil baka hindi ito masyadong nililinisan ng mabuti. Ito na daw siguro ang lesson sa kanya para hindi na siya kumain pa ulit ng bopis.

+ There are no comments

Add yours