Ito ang Limang Panganib sa Ating Kalusugan sa Tuwing Tayo ay Kulang sa Pagtulog o Sleep Deprived






Isa ka rin ba sa mga taong madalas nagpupuyat sa pagtuloy araw-araw gawa ng pagiging busy sa trabaho o pag-aaral? Malamang alam niyo na hindi ito maganda para sa ating kalusugan. Subalit alam niyo ba kung ano ang nangyayari sa ating katawan kapag tayo ay puyat?

Ang Sleep Deprivation ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay mayroong kakulangan sa pagtulog. Ito ay maaaring maging Chronic o Acute. Ang Chronic Sleep Deprivation ay nagdudulot ng pagkapagod, pagiging antukin at pagbawas ng timbang na mas makakaapekto sa ating utak. Habang ang Acute Sleep Deprivation naman ay ang pagkakaroon ng kakulangan sa pagtulog ng isa o tatlong araw. 

Ibabahagi namin sa artikulong ito ang mga limang panganib na dulot ng kakulangan sa pagtulog:


1. Maaaring magkaroon ka ng Cardiovascular Disease

Ang kakulangan sa pagtulog ay nakakapagdulot ng cardiovascular disease na maaaring maapektuhan ang ating puso, blood vessels at dugo. Ito rin ang isang dahilan ng pagkakaroon ng mataas na presyon lalo na sa mga matatanda.





2. Pagiging mataba o Obese


Kailangan natin ng sapat na oras ng tulog dahil ito nakakaapekto ang tulog sa dalang klase ng hormones. Ito ang leptin at ghrelin na kung saan ito ang kumokontrol ng pakiramdam ng isang tao sa pagkagutom. 


3. Nagpapalala ito ng mga kasalukuyang kondisyon ng ating Respiratory Tract
Kung kulang ang inyong tulog ay makakaapekto ito sa ating respiratory tract dahil ito ay posibleng magsanhi ng respiratory infections gaya ng lagnat o flu. Mahihirapan ang ating respiratory tract na magkaroon ng sapat na pahinga, ito ay posibleng ma-overwork kung saan pwede itong humina at maimpeksyon. 

4. Nakakapaghina ng Immune System



Ang sleep deprivation ay maaaring makapagpigil sa ating katawan na labanan ang ibang impeksyon sa katawan na kung saan nakakapagpahina ito ng ating resistensya.



5. Isa itong dahilan ng pagkakaroon ng dry skin

Kung madalas kayong puyat ay mapapansin niyo na ang iyong balat sa mukha ay nagiging kulubot o mukhang pagod dahil ang kakulangan sa pagtulog ay nagdudulot ng sobrang stress. Kaya importante ang pagkakaroon ng tinatawag nilang ‘beauty rest’ para mareplenish ang ating balat.

+ There are no comments

Add yours