Limang Senyales Upang Malaman Kung ang Iyong Partner ay Nagsisinungaling
Mahirap ang mawalan ng tiwala sa isang relasyon lalo na kung mahal na mahal mo na ang iyong partner. Sa pagkakaroon ng magandang relasyon, ang dalawang tao ay dapat may sapat na tiwala, pagmamahal at pasensya sa isa’t isa. At kapag ang tiwala ay ang siyang naunang nasira, mahirap itong ibalik at mas lalong mahirap magmahal.
Madalas ka na bang nagdududa sa iyong partner? Kaya ka nandito sa artikulong ito ay maaaring gusto mong malaman kung ano nga ba ang mga senyales para malaman na nagsisinungaling ang iyong asawa. Kaya naman ibabahagi namin sa inyo ang mga senyales na dapat ninyong bantayan at pansinin upang malaman kung siya ba ay nagsisinungaling:
1. Overly Defensive
Madalas ba sa tuwing kayo ay nag-aaway o sa tuwing ikaw ay may tinatanong ay madalas bang nagiging overly defensive ang iyong partner? Siya ba ang tipo ng laging nagagalit sa tuwing ikaw ay nagtatanong o nagdududa sa isang sitwayson? Isa itong senyales na nagsisinungaling ang iyong asawa o partner dahil kapag ito ay nagpapakatotoo, wala dapat itong ikabahal sa pagiging defensive o pagsagot.
2. Madalas iniiba ang usapan
Kung napapansin ninyo na madalas nang iniiba ng iyong asawa ang isang topic na gustong gusto mo nang ninyong mapagusapan, isa na itong maagang senyales na siya ay nagdadahilan na lamang at nagtatago ng katotohanan sa iyo.
3. Hindi ka kayang tignan sa mata
Kadalasan ang dalawang mag nobyo sa tuwing sila ay nag-uusap ay nakatingin sa mata ng bawat isa. Kung napapansin mo na hindi ka na kayang tignan ng iyong partner sa iyong mata sa tuwing mayroon kang icoconfront sakanya, maaaring isang sign na ito na mayroon siyang tinatago sayo. Dahil ang taong nagsasabi ng totoo ay hindi kailangan iwasan ang mata ng kanyang kausap.
4. Madalas magalit sa tuwing kakausapin mo siya
Hindi masama ang pag confront sa isang relasyon dahil dito nagiging secure ang isang tao sa kanyang relasyon. Subalit kung ikaw ay naghahanap ng sagot sa iyong partner at siya ay nagagalit sa tuwing ginagawa mo ito, huwag ka nang magpakampante na siya ay nagsasabi ng totoo. Hindi siya iritable dahil nagtatanong ka, iritable siya dahil ayaw niyang mapansin mo na siya ay may ginagawa nang kalokohan.
5. Hindi ka na niya madalas replayan o puntahan
Ang taong inlove o nagiging totoo sa kanyang mahal ay madalas makikipagusap at maghahangad ng oras sa kanyang partner. Subalit kung mapapansin mo na masyadong ng lumalayo saiyo ang iyong partner, maging bahala na dahil baka siya ay nagsisinungaling na sa iyo o baka mayroon na siyang itinatago sa inyong relasyon.
+ There are no comments
Add yours