Mga Bagay na Maaring Mangyari sa Inyong Katawan Kapag Kayo ay Kumain ng 2 Itlog Araw Araw


Lumaki tayo na alam natin na ang pagkain ng itlog araw araw ay maaring magpataas ng inyong mga kolesterol sa katawan pati narin ang maaring pagdagdag ng inyong mga timbang. Ngunit sa tingin niyo bai to ay totoo o hindi? Maraming mga miskonsepsyon na nagsasabing ang itlog ay delikado sa ating katawan. Ngunit hindi ito totoo, dahil ang itlog ay ligtas kainin at healthy ito. 
Ang itlog at ang pangunahing magandang pagkuhanan ng protina at mga bitamina katulad ng A, D, E, B12, Riboflavin, folate at mga minerals kagaya na lamang ng iodine, iron, calcium, zinc at selenium. Ang isang hard boiled na itlog ay naglalaman ng 85 calories at 7 gramo ng protina. Ngunit hindi lang ito ang maaring maging benepisyo ng pagkain nito.

Ang mga benepisyo na maaring makuha kung kayo ay kakain ng dalawang itlog araw araw ay ang mga sumusunod:

1. Maaring pababain ang pagkakaroon ng mga karamdaman sa puso
Ang mataas na numero ng pagkakaroon ng omega-3 unsaturated fats ng mga itlog ay maaring pababain ang triglyceride ng katawan na nagpapababa ng tsansa na magkaroon ng mga impeksyon at mga iba pang karamdaman sa puso.
2. Pinapababa ang Risk ng Birth Defects
Ang itlog ay naglalaman ng 0.7 mcd (micrograms) ng bitamina B9 o tinatawag na folic acid. Ang kakulangan sa folic acid habang ikaw ay nagbubuntis ay maaring makadulot ng masama sa batang nasa sinapupunan lalo na sa kaniyang nervous system. Kaya naman nakakatulong ang pagkain ng itlog upang masustento ang lebel ng folic acid sa ating katawan.

3. Pinapabagal nito ang Pagtanda
Ayon sa pagaaral, ang pagkain ng itlog ay maaring magpabagal ng pagtanda ng inyong mga balat at maaring makaiwas sa karamdaman ng kahit ano patungkol sa balat. Dagdag pa ng mga eksperto na ang itlog ay naglalaman ng natural na yellow color na kung saan ito ay mayaman sa carotenoids (cell reinforcements), na nagpapabagal ng pagtanda. 
4. Paglinaw ng mga Mata
Ayon sa pagaaral, sinasabing ang itlog ay mayaman sa lutein. Ang lutein ang ay substance na responsible sa pagkakaroon ng malinaw at matalas na paningin. Ang mababang bilang ng lutein sa mata ay maaring maging sanhi ng paglabo nito at pagtaas ng grado ng mata

+ There are no comments

Add yours