Mga Dahilan na Kailangan Niyong Malaman Kung Bakit Hindi Niyo Dapat Bunutin ang Inyong mga Buhok sa Ilong





Ang buhok sa ilong o Nasal hair ay ang proteksyon para sa mga dumi na maaaring pumasok sa loob ng ating ilong. Ito ang nagsisilbing filter para sa mga foreign particles na maaaring pumasok dito. Kapag tayo ay tumatanda, ang mga buhok natin sa ilong ay humahaba at dumadami kung saan ito ay maaaring mapansin sa inyong ilong.
Kaya naman maraming mga tao ang nahihiya na magkaroon ng mahabang buhok sa loob ng kanilang mga ilong. Dahil dito, ang ilan ay binubunot o tinitrim nila ang buhok na ito upang hindi nakakahiya sa ibang tao. 



Subalit sa ibang research study, alam niyo ba na hindi pala dapat bunutin ang mga buhok sa ating ilong dahil mayroon itong importanteng role sa ating kalusugan. 


Ano nga ba ang rason kung bakit hindi dapat natin bunutin ang mga buhok sa ilong?

May dalawang klase ng buhok mayroon ang isang tao. Ito ay ang mga nakikita niyo at gusto niyong bunutin na tinatawag na vibrissae at ito ang mga microscopic cilia na responsable sa pag filter ng mucus kung saan ito ay babalik sa ilong papuntang stomach. 



Ang vibrissae ay ang mga buhok na nakasabit sa harapan at ang mga pumipigil sa mga foreign particles upang hindi makapasok sa loob ng ilong. Kapag ito ay inyong inalis, ang mga germs at iba pang bagay ay maaring pumasok sa ilong na maaring magdulot ng impeksyon. 

Ang ating katawan ay may konsepto na tinatawag na “danger triangle” o ang mga area sa pagitan ng inyong mga ilong at bibig na maaring pagmulan ng mga impeksyon papunta sa utak. Ang danger triangle ay naglalaman ng mga venous at arterial vessels kaya naman kung nais niyong bunutin ang inyong mga buhok sa ilong, maaring i consider muna ang pag trim nito.

+ There are no comments

Add yours