Mga Paraan Kung Paano Maaalis ang Pagkakaroon ng Mabahong Hininga?
Walang sinuman ang nais makarinig o nais malaman na mayroon silang mabahong hininga. Ang mabahong hininga o tinatawag na halitosis ay isang nakakahiyang bagay para sa mga taong nakapaligid sa iyo. May mga ilang tao ang hindi nila alam na sila ay mayroong bad breath dahil nahihiya tayong sabihin ito sa kanila.
Ngunit kahit ganoon pa man ang problema na ito, madali naman itong lutasin. Ang pagkakaroon ng mabahong hininga ay dahil sa mga bacteria na maaring matagpuan sa inyong mga bibig. May paraan upang malaman ninyo kung mayroon kayong mabahong hininga, ito ay ang pagtingin at pag-amoy sa inyong mga dental floss pagkatapos ninyo itong gamitin, Kung ang floss niyo ay amoy dugo o mayroong dugo, ibig sabihin nito may foul odor sa inyong bibig.
Ito ang ilan sa mga paraan upang maalis ang pagkakaroon ng mabahong hininga:
1. Magsipilyo dalawang beses sa isang araw
Magsipilyo ng dalawa hanggang sa tatlong minute ng dalawang beses sa isang araw para maalis ang mga tinga at mga tira tiring pagkain na nakasiksik sa inyong ngipin. Pinakaimportanteng magsipilyo ng inyong mga ngipin bago matulog. Kung kinakailangan, magdagdag ng baking soda sa inyong pagsisipilyo upang mabawasan ang acidity ng inyong bibig at mahirapan ang mga bacteria na mabuo sa inyong bibig.
2. Gumamit ng floss araw-araw
Ang paggamit ng floss ay nagaalis ng mga debris ng pagkain sa pagitan ng mga ngipin na hindi kayang alisin ng pagsisipilyo. Kung ang pagkain ay hindi naalis sa gitna ng mga ngipin, maaring magkaroon ng bacteria dito at maging sanhi ng pagbaho ng hininga.
3. Sipilyuhan o Gadgarin ang mga dila
Para alisin ang anumang tira tiring pagkain na maaring sumiksik sa mga taste buds o sa mga fold ng dila, gumamit ng mga tongue scraper. Kung wala namang tongue scraper maaring gamitin ang inyong mga sipilyo upang sipilyuhan ang inyong mga dila.
4. Gumamit ng Pangmumog ng bibig
Laging tandaan na kapag mayroong mabahong hininga, ang paggamit ng pangmumog sa bibig ay makakapagpaalis lamang ng amoy nito ngunit hindi magagamot ang pagkakaroon ng mabahong hininga. Para sa mas lalong epektibong paraan, gumamit ng tubig na may kasamang peppermint oil. Okaya gumamit ng black o green tea.
5 Umiwas sa mga paninigarilyo at iba pang tobacco products
Ang paninigarilyo ay isang bagay na nakakapagpabaho ng hininga. Ang paggamit ng sigarilyo ay nakakatuyo ng inyong bibig at nagiiwan ng mabahong amoy sa inyong hininga kahit pa kayo ay magsipilyo pagkatapos.
6. Uminom ng Tubig Palagi
Siguraduhing uminom lagi ng tubig (anim hanggang walong baso) isang araw para hindi manuyo ang bibig. Ang paginom ng tubig ay kumokontrol sa pagbaho ng hininga dahil hinuhugas nito ang mga tira tiring pagkain at bacteria sa inyong bibig.
7. Kumain ng carrots o tangkay ng celery o mansanas
Ang pagkain ng mga crispy, fresh na fruits at vegetables ay nagaalis ng mga bacteria sa ating mga ngipin, dila o gums na nagiging sanhi ng pagbaho ng hininga. Ang pagkain ng mga ito ay pumipigil sa ating mga gutom na nagiging sanhi ng pagbaho din ng hininga. Ang pagpapaliban ng pagkain ay nagiging sanhi din ng pagbaho ng hininga dahil sa mga acids na nabubuo sa ating tiyan.
+ There are no comments
Add yours