Mga Paraan Upang Maiwasan ang Pagiging Bloated Pagtapos Kumain




Pagkatapos ng inyong pagkain, nais natin ang marelax at magpatuloy sa buong araw. Ngunit minsan ito ay nangyayari: ang pakiramdaman na naninikip ang inyong pantalon at ang pakiramdam na nagdadalwang laki ang inyong mga tiyan. Ito ay mula sa mga sobrang gas o istorbo sa mga muscles ng inyong mga digestive tract. Sa karagdagan, maaring maramdaman din ang cramps, gas at belching at ito ang mga positibong senyales ng pagiging bloated.
Habang ang iba ay may mga dahilan kung bakit sila nagiging bloated, maari natin itong malutas sa pamamagitan ng pagpapalit ng inyong mga eating habits. Nandito ang ilan sa mga tips kung paano maiiwasan ang pagiging bloated pagkatapos kumain.

1. Wag kumain ng madami sa minsanang beses
Ang pagiging bloated ay ang pakiramdam na parang ikaw ay punong puno dahil sa pagkain mo ng madami. Kung ikaw ay kumakain ng marami at nakakaranas ng hindi mapakaling pakiramdam, subukan ninyong bawasan ang inyong mga kinakain habang dagdagan ang beses ng inyong pagkain. Maninam ding nguyain ang inyong pagkain ng mabuti dahil ang pagmamadali sa pagkain ay nakakabloat din.
2. Iwasan ang mga pagkain na matakaw sa gas at hangin
Dalawa ang pinagkukunan ng gas ng ating digestive system. Una ay ang gas na inilalabas ng mga bacteria sa inyong gut at ang isa naman ay ang gas o hangin na nakakain ninyo sa inyong mga pagkain o inumin. Ang pinakamatinding inumin na nagbibigay ng hangin ay ang mga softdrinks dahil sa ito ay naglalaman ng mga bubbles na may carbon dioxide na gumagawa ng gas kung ito ay umabot sa inyong stomach. Iwasan din ang paginom sa straw, pag nguya ng bubble gum at pagsalita habang kumakain.

3. Bantayan ang inyong fiber intake
Ang mga fibrous foods gaya na lamang ng whole grains, beans at legumes ay isang nagiging sanhi ng bloating. Ang kanilang pagkakaroon ng mataas na kontent ng fiber ay maaring maging sanhi ng pagkabloat ng isang tao. 
4. Iwasan ang mga pagkain na mataas ang sodium content
Alam natin na ang pagkain ng mga maalat na bagay ay maaring maging sanhi ng high blood pressure. Sa karagdagan naman, ang pagkain ng mga maalat na bagay ay maaring makatulong sa pagpapanatili ng inyong tubig sa tiyan na nagiging sanhi ng bloating. 
5. Maglakad Pagkatapos kumain
Ang paglalakad pagkatapos kumain ay maaring makatulong upang makaiwas sa pagiging bloated dahil ito ay nakakatulong na bawasan ang mga gas buildup sa inyong katawan. Maari din itong makapagpababa ng kinain at makatulong sa tamang pagtunaw ng pagkain sa inyong tiyan.

+ There are no comments

Add yours