Narito Kung Paano Malalaman Kung Kayo ba ay Malungkot o Sadyang Mayroon na ka ng Major Depressive Disorder!
May oras ba sa inyong buhay kung saan nakakaramdam kayo ng lubos na kalungkutan ng hindi mo alam ang dahilan? O kaya naman ay biglaan ka nalang mo nalang mararamdaman na ikaw ay malungkot dahi nagpapatong patong na pala ang iyong problema?
Ang pagkakaroon ng Mental Illness ay hindi dapat balewalain dahil isa ito sa dahilan ng pagkamat*y ng iba’t ibang tao sa mundo. Kailangan natin maging aware kung ano nga ba ang pagkakaroon ng mental disorder at kung paano malalaman kung ito nga ba ay iyong kondisyon na hindi mo napapansin.
Kaya sa artikulong ito, ipapahayag namin sainyo kung ano ang pinagkaiba ng pagiging malungkot o ang pagkakaroon ng major depressive disorder. Ibabahagi namin ang mga senyales para malaman mo kung ikaw ay nakakaranas na pala ng depresyon.
Paano malalaman kung ito ay Major Depressive Disorder?
Kapag sinabing ‘depressed’ ang isang tao ay hindi ibig sabihin na aware siya sa kanyang nararamdaman. Kadalasan, hindi mo mapapansin na ito pala ay nakakaranas na ng depresyon dahil ang ilang sintomas ng depresyon ay kailangan pang ipa konsulta sa doktor upang malaman kung maroon ba siyang clinical depression o simpleng depression.
Narito ang mga sintomas nito:
1. Matinding pagkabawas ng timbang o pagdadagdag ng timbang
2. Hirap sa pagtulog o kaya naman ay sobrang pagtulog
3. Madalas na tulala o parang mayroon malalim na inisiip
4. Hirap sa pag-isip o pag concentrate sa isang desisyon
5. Madalas na pagiging pagod sa lahat ng bagay na tila wala na siyang motivation na kumilos
Kung nararanasan mo ang ilan sa mga sintomas na iyan, hindi naman ibig sabihin na mayroon kang major depressive disorder dahil ito ay maaaring PDD lamang o Persistent depressive disorder kung saan mas mild ang kondisyon na ito.
Kung ikaw ay nakakabangon din agad agad sa pagiging malungkot, hindi rin ibig sabihin na ito ay major depressive disorder. Mayroon lang talaga na panahon na tayo ay pagod at malungkot dahil sa ating mga problema na hindi na natin kayang dalhin pa. Subalit kung napapansin mo na ang isang tao ay may sintomas na siya tulad sa sinabi sa itaas ng artikulong ito, huwag magdadalawang isip na siya ay tulungan o kausapin tungkol dito.
+ There are no comments
Add yours