Ito pala ang mga Maling Paraan ng Paghuhugas ng Mukha na Madalas Natin Ginagawa





Ang paghuhugas ng mukha ay isa sa mga bagay na araw-araw nating ginagawa. Minsan hindi lamang isa o dalawang beses natin ito ginagawa at may mga ipinapahid pa tayo sa ating mukha para mapanatiling maganda ito. Ngunit hindi natin napapansin ang mga maling paraan na nagagawa natin sa ating mukha.

Narito ang mga hindi tamang paraan ng paghuhugas ng mukha na hindi natin alam at hindi sinasadyang ginagawa:


1. Paggamit ng Maling Temperatura ng Tubig


Ayon sa mga dalubhasa, ang mainit na tubig ay nakakapagpatuyo ng balat. Samantalang ang malamig na tubig naman ay hindi nakakapagpabukas ng mga pores. Kaya ang pinaka magandang gamitin ay ang maligamgam na tubig. Hindi sobrang init at hindi sobrang lamig, kundi tamang temperatura lamang.

2. Paghuhugas ng Madalas ng Mukha


Kung ikaw ay may dry skin, kailangan na linisan ito isang beses sa isang araw. Kung ikaw naman ay oily skin, kailangan na linisan ng dalawang beses sa isang araw. Kung hihigit pa rito, magsasanhi ng mas dry at oily na balat. Tiyakin rin na tuwing gabi nililinisan ang iyong mukha para matanggal ang sinag ng araw na nakakapagpatanda at polusyon na nakuha sa buong araw.





3. Maling Oras ng Paggamit ng Pag-Exfoliate ng Balat


Ang paggamit ng exfoliating cleanser o iba pang mga produkto na nakakapag-patanggal ng dead skin cells at nagbibigay ng glowing skin ay kinakailangan na gamitin tuwing gabi lamang at hindi umaga. Dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkatuyo at pagkatuklap ng balat. Gumamit lamang ng ganito ng isang beses sa isang linggo.


4. Paggamit ng Madumi at Matigas na Pamunas


Ang paggamit ng malinis at malambot na tela sa iyong mukha, ang pinakamagandang gamitin para sa paglilinis dito. Kailangan araw-araw ay bago at malambot ang pamunas na gagamitin para hindi kumapit ang bacteria at maging dry ang balat. Huwag hayaang laging gumagamit ng facial wipes dahil hindi nito nalilinisan ng mabuti ang mukha at may nilalaman pa itong chem!cal.

5. Paggamit ng Maling Produkto


Ang foaming washes ay para sa mga oily skin. Habang ang hydrating cleanser ay maganda para sa mga dry skin. Nakakakuha ng benepisyo ang oily skin sa mga produktong may nilalaman na alpha-hydroxy acids o salicylic acids. Ngunit ang mga ito ay hindi maganda sa mga dry skin. Kaya pumili ng mga produkto na naaayon sa inyong balat.


6. Gumagamit ka ng Produktong Soap-Based


Huwag gamiting pamalit ang soap-base product para sa non-soap cleanser. Dahil ang soap-based product ay sumisimot nang natural oils sa balat at nagiiwan ng pag-kairita sa balat, pagkatuyo, at maaring maging sanhi ng pamamaga.

7. Pagpahid ng Cleanser ng Maling Paraan


Ang tamang pagpapahid ng cleanser ay dahan-dahan at pabilog. Sa paraan na ito, napapasigla ang tamang daloy ng dugo at nakukuha ang mga dumi sa mukha. Hindi kailangan ng madiin at mabilis na pagkuskos sa mukha para matanggal ang mga dumi na kumapit dito dahil ang kailangan ay dahan-dahan para hindi mairita at magdry ang balat. Huwag rin punasan ang tuyong mukha dahil matatanggal ang lipids, protina at fatty aids na promoprotekta sa balat laban sa pagkairita.




8. Naghihintay na Matuyo ang Balat Pagkatapos Maghugas


Kapag natapos hugasan ang mukha ito ang pinakamagandang paraan para iapply ang creams at serum na ginagamit. Dahil tiyak na malinis ang mukha at sinasarado mo ang hydration na galing sa tubig. Kung gumagamit ka ng foaming cleanser, cream o kung ano pa ay kailangan na dahan-dahan ipahid sa iyong mukha hanggang malagyan ang lahat ng bahagi ng mukha.

+ There are no comments

Add yours