Kung kayo ay Nakakaranas ng Pananakit ng Paa, Tuhod o Balakang, Ito Ang Kailangan Ninyong Malaman
Nakaranas naba kayo ng s@kit sa paa, tuhod o bewang? Kung kayo ay nakaranas na o hindi pa, mahalang malaman ninyo dahil maaring darating ang panahon na mararanasan niyo ito kaya naman mainam ng alam ninyo kung paano ito ibsan. Ayon sa mga pag-aaral, mga 15% hanggang 25% ng populasyon ang nakakaranas ng pananakit ng tuhod, na siyang pangalawa sa pinakamadalas na karamdaman ng isang tao.
Narito ang ilan sa mga paraan upang maibsan ang mga pananakit ng inyong paa, tuhod o ng inyong bewang:
1. Ankle Circles
Ang ehersisyo na ito ay simple at madali. Para paganahin ag inyong mga muscles sa ankle, maaring humiga, umupo o tumayo. Itaas lamang ang isang paa at dahan dahan ikutin ang paa ng smooth at paikot na galaw. Gawin ito ng sampung beses clockwise at sampung beses counterclockwise at gawin sa kabilang paa.
2. Toe Walking
Ito ay simpleng ehersisyo lamang na maaring gawin mo habang ikaw ay nasa bahay, opisina at kahit pa may ibang ginagawa. Ang gagawin lamang ay maglakad! Ngunit ang ating paa ay gagamitan ng medyo mag pakatiptoe. Ang ehersisyo na ito ay tumutulong palakasin ang inyong mga calf muscles na nagbibigay din ng lakas sa mga bola ninyo sa paa.
3. Heel Raises
Ang ehersisyo na ito ay sinisimulan sa pagkuha ng upuan at pagtayo sa likod nito. Gagamiting ang upuan upang magbalanse para sa ehersisyo na gagawin. Umpisahan sa pagtaas ng isang leg sa likod ng inyong tuhod. Dahan dahan itaas ang heel ng isa ninyong leg ulit ng ikaw ay nakatayo sa inyong toes. Pagkatapos ay ibaba ang inyong sarili dahan dahan upang ipahinga ang inyong heel.
4. Walking on Balls
Ang ehersisyo na ito ay nakakarelax. Maghanap lamang ng tennis ball o anumang kapareho nito na bilog na maliit. Umupo sa isang upuan at ilagay ang paa sa bola, dahan dahan tulak ang paa kasabay ng pag-guyod ng inyong paa mula sa dulo papunta sa heel ng inyong talampakan.
5. Toe Games
Ito ay isang nakakatuwang laro na gagawin mo sa iyong paa upang palakasin ito. Umpisahan sa pamamagitan ng pagcurl ng inyong paa, pagpulot ng tuwalya gamit ang paa. Sa pamamagitan nito, pinapalakas natin ang ating mga paa.
+ There are no comments
Add yours