Masakit na Ingrown Nail? Ito ang mga Home Remedies na Pwede Mong Subukan Para Maibsan ang Kirot Nito!






Ang pagkakaroon ng Ingrown ang pinaka-ayaw ng halos lahat ng tao dahil kahit maliit ay ramdam na ramdam natin ito ngunit sa kasamaang palad ay hindi natin ito maiwasan dahil bigla-bigla nalang silang tumutubo. Ayon sa mga espesyalist ang Ingrown Toenail ay nangyayari kapag ang gilid ng iyong kuko ay patuloy na lumalaki at bumabaon na sa iyong balat o humahaba na nagsasanhi ng sakit, pamumula, pamamaga o minsan ay nagdurugo pa. Ang pinakanaapektuhang bahagi ay ang pinakamalaking daliri sa iyong paa.

Kapag lumala na ang pagkakaroon ng ingrown, nirerekomenda na ipatingin na ito sa doctor upang maalis sa tamang paraan. Pero kung ito ay nasa unang yugto pa lamang, puwede kang gumamit ng iba’t ibang remedy sa inyong bahay lamang para mabawasan ang pananakit.

Narito ang limang epektibong paraan para maisalba ang iyong kuko sa paa:

1. Hydrogen Peroxide 

Tinuturing itong epektibong home remedy upang ang iyong ingrown nail. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Hydrogen Peroxide ay disinfectant na nakakabawas o nakakaalis ng infection habang inaalis na rin ang sakit at pamamaga na dulot ng ingrown. Tumutulong itong palambutin ang balat para madali na lamang putulin ang kuko sa gilid ng daliri sa paa. 

Dapat Gawin: ihalo sa kalahating baso ng maligamgam na tubig ang hydrogen peroxide. Ibabad ang apektadong paa sa loob ng 20-30 minutes dalawang beses sa isang araw hanggang sa gumaling na ito.


2. Dental Floss 

Ang paggamit ng Dental Floss ay mabisang paraan para malinis ang mga hindi mahirap na linising parte ng kuko. Nakatiutulong ito sa paghiwalay ng iyong balat sa tumutubong kuko. Kahit na minsan ay nagbibigay ito ng hindi kompotableng pakiramdam, masasabing “worth it” naman ito kapag nasubukan.


Dapat Gawin: 

-Ibabad ang paa na may ingrown nail sa loob ng 20 minutes 
-Punasan ng mabuti ang paa at lagyan ng conting clove oil ang mga gilid ng kuko. 
-Maingat na lagyan ng dental floss ang bandang gilid ng iyong kuko para maiangat ang kuko na bumabaon sa iyong balat. 

(iwasang gumamit ng flavored version of floss dahil puwede kang makaexperience ng burning sensation.) 


3. V-shaped cut 

Kung kaya mong putulin ang kuko mo ng hugis V, para mapigilan ang pagtubo ng kuko sa hindi gustong paraan. Mabisa itong epekto lalo na kapag kasisimula palang tumubo ng iyong ingrown nails. Ang paggupit sa gitna ng apektadong kuko ay nag-aalis ng pressure sa bawat gilid na nagbibigay daan para tumubo ito sa tamang paraan.

4. Castor Oil 

Ang Castor Oil ay naglalaman ng Ricinoleic acid na may mahusay na antibacterial at anti-inflammatory properties. Pwede rin itong maging gamit sa ingrown nails dahil ito ay nakakatulong sa pagdagdag ng blood circulation at pinapalambot ang balat sa paligid ng apektadong lugar.

Dapat Gawin: Maglagay ng Castor Oil sa bulak, gamitin itong panggamot sa apektadong parte at iwan ito doon ng isang gabi. Ulitin ang proseso araw-araw hanggang sa gumaling na ang ingrown nail.

5. Cotton wool under the nail 

Medyo kahawig ito ng paglalagay ng Dental floss, pero ang paglagay ng cotton wool ay mas mabilis na paraan, nakakaalis rin ng sak!t at pamamaga ngunit mas mayroong hindi kompertableng pakiramdam kaysa sa paglalagay ng dental floss. 

Dapat Gawin: Ibabad ang iyong apektadong paa sa basin na may lamang maligamgam na tubig at kapag natapos ay punasan ito ng mabuti, iangat ang ingrown nail gamit ang tweezers at ilagay na ang maliit na piraso ng cotton wool sa ilalim nito. Siguraduhing gamitin lang ang sterile cotton wool at palitan ito araw-araw
Mas mabuti nang agapan ito kaagad o sa pagtubo a lamang para mabawasan na ang mga komplikasyon at maiwasan rin ang surgical intervention. Ang lahat ng nasabing paraan ay epektibo kung kasama na rin ang pag-iingat upang maiwasan ang ganitong kondisyon.



+ There are no comments

Add yours