Mga Benepisyong Kailangan Ninyong Malaman na Makukuha sa Pagkain ng Oatmeal
Ang oatmeal ay kilala bilang pagkaing pangdiyeta. Ito ay karaniwang kinakain tuwing umaga lalo na sa malamig na panahon. Nakatutulong ito sa ating katawan para matanggal ang mga taba at nakababawas ito ng timbang. Isa itong mahusay na mapagkukuhanan ng mga mahahalagang bitamina, mineral, fiber at antioxidant. Ang pagkain ng oatmeal ay makatutulong sa pagpapalakas ng katawan na patungo sa magandang kalusugan.
Narito ang mga benepisyong makukuha mula sa oatmeal:
1. Masustansya
Ang oats ay isang mahusay sa pagpapalusog ng katawan. Ito ay maaring mapagkuhanan ng carbs, fiber at iba pang sustansya. Ang oats ay naglalaman ng mga mahahalagang bitamina, mineral, fiber at antioxidant na kailangan ng ating katawan. Nagtataglay din ito ng maraming protina at taba na nakakaganda sa ating katawan.
2. Nakatutulong sa antas ng cholesterol
Ang pagtaas ng cholesterol ay maaaring maging sanhi ng cardiovascular d!sease. Ngunit ang pagkain ng oatmeal ay makatutulong sa pagtanggal ng mga taba na hindi kailangan sa iyong katawan dahil mayaman sa fiber ang oatmeal na nakatutunaw at nakalilimas ng kolesterol sa ating katawan. Nakatutulong rin ito para sa maayos na paggana ng puso.
3. Nakakaiwas sa Colon K^nser
Ang pagkain ng oatmeal ay makakatulong sa taong may k^nser. Dahil naglalaman ang oats ng antioxidant na lumalaban sa panganib na dulot ng k^nser. Ayon na rin sa pagaaral mahusay na makatutulong ang oatmeal upang malinisan ang ating bituka.
4. Nakatutulong sa tamang antas ng asukal
Ang diabetes ay pangkaraniwang sakit at ang antas ng blood sugar ng isang tao ay mataas. Kaya mainam na kumain ng oatmeal para matulungang mapababa at mapanatili sa tamang antas ang blood sugar. Maaari rin itong makatulong sa sensitivity ng insulin.
5. Nagpapalakas ng enerhiya
Ang oatmeal ay mayaman sa protina at carbs na nakatutulong sa pagpapalakas ng enerhiya. Ang pagkain nito ay napakaganda para maging malakas ang pangangatawan at nagbibigay ng enerhiya na kailangan para sa pisikal na lakas.
6. Makontrol ang timbang
Ang pagkain ng oatmeal ay nakatutulong para sa taong nagdidiyeta. Dahil ang oatmeal ay mayaman sa fiber at tumatagal ng mahabang oras ang pagtunaw nito sa ating tiyan. Kaya maiiwasan ang pagkain ng marami na nagiging sanhi ng paglaki ng timbang.
+ There are no comments
Add yours