Alam Mo Ba ang Esophageal Spasms? Baka Nangyari na Ito sa Inyo ng Hindi Ninyo Nalalalaman
Mula sa bibig papuntang stomach ay mayroong mahaba at payat na organ na nagsisilbing daanan ng mga pagkain na tinatawag nating esophagus. Ang mga wave-like contractions ng muscular na organ na ito ang nagpapagalaw ng mga pagkain at mga ibang bagay na ating sinusubo sa bibig na papunta sa ating mga tiyan. An gating esophagus ay maaring makaranas ng abnormal na contractions na maaring maging sanhi ng hindi pagkakomportable. Ang kondisyon na ito ay tinatawag ng mga doctor na esophageal spasms.
Ang tao ay maaring makaranas ng esophageal spasms sa maliit na tsansa, ngunit kung ito ay naranasan mo, maaring maranasan mo ito ng madalas. Ang esophageal spasms ay maaring maging sanhi ng kahirapan sa pagkain at paginom ng tubig kaya naman kinakailangan ito agad agad ng atensyong pangmedikal.
Ang sanhi ng esophageal spasms ay nanatiling misteryo para sa mga doctor, Ngunit, may mga ilang obserbasyon na ang mga abnormal na kontraksyons ng ating esophagus ay maaring sanhi ng problema sa ating mga nerves na nagpapadala ng signal sa ating utak. Ang ilang mga pagkain din na ating kinakain ay maaring maging sanhi ng abnormal na contractions sa ating esophagus kagaya na lamang ng mga taong asidik at ang mga pagkain na sobrang init at sobrang lamig. Isa pang dahilan ng esophageal spasms ay ang pagkastress at pagiisip masyado ng problema.
Ayon sa mga eksperto, ang isang tao na nakakaranas ng gastroesophageal reflux or (GERD) ay maaring makaranas din ng esophageal spasms. Ang mga sinyales ng esophageal spasms ay maaring ang pagkakaroon ng chest pain. Ang s@k!t na nararamadan sa ating dibdib ay maaring mahalintulad sa heart failure. Ang paghirap sa paglunok at ang pakiramdam na parang may nakabara sa ating lalamunan ay ilan din sa mga sinyales ng esophageal spasms. Anu mang uri ng s@k!t sa dibdib ay kailangan seryosohin at hindi lang ang pag assume na ito ay esophageal spasm ang dapat intindihin.
Ang pagkakaron ng magandang dyeta ay isa sa mga solusyon upang magamot ito. Maaring itigil narin ang paninigarilyo ng taong makakaranas nito dahil ang paninigarilyo ay maaring magdulot ng GERD na maaring mag trigger sa pagkakaroon ng esophageal spasms. Kung ang pagiging malungkot o pagiisip ng malubha naman ang dahilan ng pagkakaroon ng esophageal spasms, maaring uminom ng mga gamot na nakakapagpataas ng ating mood para maiwasan ang paninikip ng dibdib dahil sa abnormal na kontraksyons ng ating esophagus.
+ There are no comments
Add yours